Danita Paner, itinangging binastos ang amang si Manny Paner!

INAMIN NI Danita Paner na may problema sila ng kanyang ina na si Daisy Rumualdez at hindi rin itinanggi ng dalaga na lumalabas siya kasama ang ilang kaibigan, pero mahigpit niyang tinutulan ang balitang lumabas na binastos niya ang amang si Manny Paner.

Ang kuwento kasi ay ganito. Birthday raw noon ni Manny kasama ang ilang kaibigan sa bahay. Nagbi-videoke umano ang grupo nang dumating si Danita at komo ama ay sinabi nitong, “Anak kanta ka nga rito, kahit konti lang”. Pero sahalip na magbigay-galang at tuloy ay pagbigyan ang kahilingan ng amang nagsi-celebrate ng birhday ay tuluy-tuloy raw ito sa kuwarto at nang lumabas ay tuluy-tuloy naman sa kotse.

Sabi ng aming source na isang beteranang lady writer, maldita raw talaga si Danita at ito ang isa sa mga ikinasasakit ng ulo ni Daisy Rumualdez. “May isa ngang kuwento ako riyan, itong si Daisy ay ilang beses nang napahiya dahil sa batang iyan. Nakukumpromiso si Daisy dahil sa kanya. Pero palibhasa ina, laging pinagtatakpan ang batang iyan, pero sobra na,” sabi ng aming source.

Na ayon kay Danita, hindi na raw niya papansinin pa kung anuman ang mga naglalabasang balita dahil alam niya sa kanyang sarili na wala silang problemang magpapamilya. Ang may problema lang daw ay ‘yung taong nagkakalat ng maling balita.

Tsk, tsk, tsk. Pero teka, bakit kaya biglang uminit ang ulo ni Danita nu’ng gabing matapos magbigay-pahayag siya sa amin? Ayaw ni VV ng ganyan.

 

PAGKARATING NA pagkarating ni Derek Ramsay sa Pilipinas matapos ang ilang linggong pananatili sa Amerika, heto at back to work ang binata, kung saan ay sinimulan na niyang mag-taping para sa programa niyang Amazing Race ng TV5.

Ayaw pag-ukulan ng pansin ang isyung may sex video diumano ang dati niyang girlfriend na si Angelica Panganiban at si John Lloyd Cruz, dahil para sa aktor, wala siya sa posisyon para magbigay-komento bukod pa sa hindi siya naniniwala sa issue.

Ayon kay Derek, mas makabubuting bigyang-pansin niya ang marami niyang proyektong naka-line-up dahil sisimulan na rin this week ang pelikulang pagsasamahan nila nina KC Concepcion at Anne Curtis.

Halos walang tulog si Derek this week dahil sa Amazing Race na nanga-ngailangan ng mas mahaba niyang oras. Pero okay lang iyon sa aktor dahil noon pa man ay mahilig na ito sa sports kaya parang wala siyang nararamdamang pagod.

“Matagal ko nang gusto ang ganitong programa at enjoy ako sa aking ginagawa,” sabi ng aktor sa amin sa kanyang pagwawakas.

 

MARAMI ANG naapektuhan sa pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Bradley matapos ang split decision na pumabor sa kalaban ni Pacman.

Buong showbizlandia ay nakatutok sa nasabing laban at ang ilan dito ay sina Sharon Cuneta, Derek Ramsay, Marian Rivera, Dingdong Dantes at marami pang iba na pawang nagtaka sa naging desisyon at hindi matanggap ang pagkatalo ni Manny.

May nagsabi sa amin na ang isa sa mga dahilan kung bakit natalo raw si Manny ay dahil tinanggal nito ang rosaryo na laging suot sa tuwing lumalaban.

 

NAKAKALOKA ANG grupo ng Wonder Gays dahil kung saan-saan sila nakakasuot na para silang tubig kung saan may butas ay agos ng agos.

Regular silang napapanood sa Kapitan Awesome na pinagbibidahan nina Mart Escudero at Empoy. Bukod pa rito, marami rin silang upcoming shows abroad tulad ng sa Australia at Singapore.

Kaya lang, ang nakakaloka, sa sunud-sunod na shows at pag-akyat ng grupo sa kasikatan ay ang intrigang ang ilan sa mga ito ay sumama na raw ang ugali at hindi na raw ma-reach, kung kaya’t sumasakit ang ulo ng kanilang manager na posibleng tanggalin at palitan ang ilan sa grupo.

May mga nakarating pa sa aming balita na ilan daw sa Wonder Gays ay nagiging pasaway at pinapasok na ng kayabangan ang kanilang utak. Ang tanong, sino kaya sa kanila ang pasaway? Well kung sino kina Blue, Pink, White, Green, Black and Gray ang matatanggal, iyon ang ating abangan. Pero may nagbulong sa amin, malamang daw ay si Pink.

More Luck
by Morly Alinio

3 thoughts on “Danita Paner, itinangging binastos ang amang si Manny Paner!

  1. bawal na kasi kay manny ang rosaryo di ba???????? Jesus is lord na sya ni villanueva na lumaban at nagalost sa presidente halalan. Sabi nga nya nun na siguradong panalo na siya sa presidente kasi pag binoto sya ng marami nyang mauuto ay panalo na si eddie! Ang problema ay pati patay at di pa botante ay binilang nya! aruy ku po!!!so talo!!!!!!!!!

  2. kong ganyan ang magiging ampon ko tulad n danita paner baka ibalik ko cy s kanyang pinangalingan, matapos mong palakihin ikaw ang susuwagin.