Danita Paner: From Rocker Chick to Drama Princess

ISA SA itinuturing na Prinsesa ng TV5 ngayon ang rocker turned actress na si Danita Paner. Siya ay anak ng dating basketball player na si Manny Paner at controversial showbiz personality na si Daisy Romualdez. Kapatid niya ang dating aktres na si Kristina Paner, na ngayo’y nakabase na sa Spain.

Dahil sa kanyang family background, hindi na kataka-taka na pinasok din ni Danita ang entertainment industry. Una muna itong pumasok sa eksena bilang isang rock singer. Ilan sa mga kantang nilabas niya mula sa kanyang debut album ay ang Lunod, Kung Wala Na Nga at Cool Ka Lang. In fairness, may ibubuga naman talaga ang dalaga pagdating sa pag-awit. Lalo itong pinag-usapan ng mga OPM rock fans nang maka-relasyon niya ang lead vocalist ng Calla Lily (na ngayo’y TV5 star na rin) na si Kean Cipriano.

Two years ago, pormal nang ipinakilala bilang bagong talent ng TV5 si Danita Paner. Kung noon ay boyish itong pumorma, nga-yon ay very feminine na ito. Bilang panimulang project sa Singko, binigyan ito agad ng lead role sa primetime comedy series na My Driver, Sweet Lover. Dito niya unang nakapares si JC De Vera, na ngayo’y maituturing na ‘ex-lover’ na. Lumabas din ito sa PO5 at Fantastik kasama ang kapwa TV5 talents.

Kahit pa marami ang boto sa tambalang JC at Danita, binigyan pa rin sila ng magkahiwalay na proyekto. Nagpaka-action star naman ang dalaga sa Carlo J. Caparas’ Ba-ngis. Kasalukuyang mapapanood si Danita bilang Angela San Diego sa panghapong drama na Isang Dakot na Luha, kung saan kasama niya sina Alice Dixson at Jay Manalo.

Mga Kapatid, sa tingin n’yo ba ay tatagal sa showbiz ang ating rocker chick turned drama princess?

 

For comments, questions and suggestions, just email us at pinoyfansclub@gmail.co. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com. Like our PFC Fan Page at http://www.facebook.com/pages/Pinoy-Fans-Club/182968385084112

 

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

2 thoughts on “Danita Paner: From Rocker Chick to Drama Princess

  1. yes…isa c danita sa umuosbong na artista ngaun sa kanyang panahon, maganda siyang umarkti at mganda ang pakikitongo nya sa lahat.my ibubuga sa lahat na ipinapagawa nya.

  2. Pingback: Danita Paner: From Rocker Chick to Drama Princess - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.