Danita Paner, ‘di type patulan ang pang-iintriga kina JC de Vera at Jasmine Curtis-Smith!

NGITI AGAD SABAY sabing hindi siya apektado, lalo na ang kanyang anak na si Danita Paner, ang sagot sa amin ni Tita Daisy Romualdez nang makita namin ito sa binababaran naming internet café. Tungkol sa mga naging kasagutan ni JC de Vera sa nakaraang presscon nito para sa Ang Utol Kong Hoodlum tungkol sa ipinapareha ngayon sa kanyang si Jasmine Curtis-Smith ang tinutukoy ni Tita Daisy na ayaw nilang patulan.

Kasi nga’y mga katanungan kung may posibilidad bang mahulog ang loob ni JC kay Jasmine kung sakali, kahit pa may Danita na nga ito.

“Naku ‘Day, Danita is not the type na papansinin ang mga ganyang klase ng intriga. Ang importante sa kanya ngayon eh, mapagbuti niya ang chances or opportunities that TV5 is giving her. At hindi na nito hahayaan na mawala pa ang mga blessings na dumarating sa kanya.”

Hindi rin ba affected si Danita na ‘sangka-terba silang tinatawag na Princess ngayon ng Kapatid Network?

“Title lang ‘yan ‘Day! Ang importante, ‘yung nakikita sa ‘yo ng mga tao. Hindi ba?”

 

NAUSISA NI KUYA Germs (German Moreno) ang Head for TV and Entertainment ng TV5 na si Perci Intalan sa premiere night ng My Neighbor’s Wife at parang nakakalimutan daw ‘ata siyang tawagan o i-text at balitaan ng mga nagaganap sa taping ng Superstar ng Sa Ngalan Ng Ina.

Mabilis naman ang pakli ni Sir Perci na kauuwi nga lang niya galing sa ibang bansa to oversee Aga Muhlach’s new TV show. Pero ang sabi niya kay Kuya Germs, one of these days daw eh, mag-uusap sila nang mahabaan.

Wala naman daw problema sa trabaho ang Superstar. Minsan nga lang, talagang kinakapos ito ng boses kaya doon lang ito nahihirapan. Walang ibang delay at kung meron man, ‘yun eh, kapag nauubusan ito ng boses niya sa mga linyang binibitawan niya.

Samantala, nang masalang ang Superstar sa pictorial niya para sa isang magazine,kung saan si Jun de Leon ang kumuha, nag-usap ang dalawa tungkol sa isang librong gagawin ng mahusay na photographer para sa Superstar.

After some days, nakipag-meet din ang Superstar with award-winning scriptwriter Ricky Lee para  rin  simulan na ang proyekto nito na isalin na rin sa aklat ang kanyang life story.

Bongga, ‘di ba? Kung magagawa ‘yan within the year eh, mailu-launch ang mga librong ‘yan probably next year.

Si Tito Ricky eh, nakakadalaw na malamang sa taping ng SNNI to observe. Iba naman siguro ang gagawin ni De Leon sa atake niya sa kanyang coffee Table book.

Sino pa kaya ang next na magpaplano na maglabas din ng libro ng Superstar? Meron kaya sa mga Noranians?

 

MAY PANGGULAT NA ginawa si Jake Cuenca sa isang eksena niya sa ipinapalabas nga-yong My Neighbor’s Wife ng Regal Entertainment. Walang takot sa kanyang butt exposure ang aktor na parang kaswal na kaswal lang. Kaya panalong-panalo si Jake sa eksena.

Na naulit din kay Dennis Trillo sa eksena naman nila ni Lovi Poe. ‘Yun nga lang, kalahati lang ng ibabang parte ng butt ni Dennis ang nasa frame at madilim pa.

Ang pagkakaroon ‘ata ng butt exposure ngayon ng mga aktor ang nagiging in sa mga pelikula.

Dahil dito sa ipapalabas na pelikula naman ng Star Cinema at Viva Films na No Other Wo-man, tampok sina Anne Curtis, Cristine Reyes at Derek Ramsay, tungkol din sa mistress o the other woman ang tema.

At tama! May butt exposure din ang Derek!

Kung hindi kayo interesado sa mga p’wet, mas magandang ituon ang panonood sa pelikulang ang tema eh, para sa buong pamilya, ang Ikaw ang Pag-Ibig na idinirihe ng prem-yadong direktor na si Marilou Diaz-Abaya. Hatid ito ng Star Cinema at Graded A ng Cinema Evaluation Board!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

One thought on “Danita Paner, ‘di type patulan ang pang-iintriga kina JC de Vera at Jasmine Curtis-Smith!

Leave a Reply

Your email address will not be published.