Daniel Padilla, tumigil na sa pag-aaral!

IT’S QUITE ironic na me-rong ipinatayong paa-ralan si Robin Padilla with both Christian and Muslim enrolees together, pero ang mismong pamangkin niyang si Daniel Padilla (anak ng kanyang kapatid na si Rommel kay Karla Estrada) has quit school.

Obviously, DJ (Daniel’s pet name) has chosen showbiz over studies, gayong puwede namang pagsabayin ito. No doubt, DJ is one of the most popular teen idols in his generation, fancy of young girls who cannot help but have goosebumps over him.

Hindi rin kataka-taka that boys his age are “feeling-Daniel,” projecting themselves as look-alikes of the young actor.

But it’s just too bad na tila naagaw na ng kaway ng showbiz ang interes ni DJ sa pag-aaral. Meron namang home study program o tutorial lessons that DJ can avail of, kesa naman sikat nga siya ngayon (but until when?) pero lalaki siya nang walang pinag-aralan?

DJ, being a minor, needs all the parental guidance he can get. His parents’ showbiz dream fulfilled does not end here nor there, seeing Rommel and Karla’s son succeed in a world where they both failed in is an even greater task.

 

IF VIVA Records had its way, mas gusto nitong ipa-gamit kay Paula Bianca ang totoo nitong apelyido, after all, the 24 year-old Rock Empress is a Cuneta by blood.

Pero ang tumatayong career adviser na rin nitong si Alfie Lorenzo ang nagsabi that should Paula Bianca opt to use “Cuneta” ay hindi ito makakaalpas sa pagkukumpara sa kanyang tiyahing si Sharon Cuneta, hence she’s simply addressed as her given compound name.

Unlike her aunt Sharon, Paula Bian-ca discovered she had a talent in singing at the age of 16. The youngest in the brood of three, palibhasa’y mga lalaki ang kanyang ka-patid kung kaya’t she likewise developed an ear for listening to boy bands tulad ng Westlife.

Later on, natuklasan na ni Paula Bianca which type of music she wants her songs to be identified with: slow rock/ballad. This embodies the carrier single of her self-titled album under Vicor Music. Penned by topnotch songwriter Vehnee Saturno, swak kay Paula Bianca ang awiting Napakasakit Naman which tells of a bruised heart.

Sinampolan din kami ni Paula Bianca ng ilan din sa kanyang mga piyesa, and she passed our rating card, ‘ika nga. What also got our admiration for this budding singer ay nang malaman naming she finished MassCom (magna cum laude) at the St. Scholastica’s College.

Kakayanin din ito ni Daniel Padilla if he would only seriously go back to school.

ABANGAN NGAYONG Biyernes sa Face To Face ang kuwentong Inlab Na Beki Sa Mga Friends Ay Nanggagalaiti…Kapag Mga Nangangati Sa Dyowa Niya Kasi Tumatabi! Taped in a barangay in Cagayan de Oro City, iiikot ang istorya sab eking si Sheboom na imbiyerna sa mga kabarong sina Bagani, Boboy at Gwen na bukod sa nang-agaw ng kanyang mga customer sa parlor ay inahas pa ang dyowa niya.

Huwag ding palampasin ang episode bukas na Tilapia Mo’y Bilasa, Ang Sa Kanya’y Sariwa Kaya Ako Kumabila Na… Masansang Na Amoy Ako’y Sukang-suka Na! Umabot sa batuhan ng tilapia ang away sa pagitan ng magkakamping sina Babes at Lani at Cha at Weng. Bukod sa kung sino sa dalawang grupo ang may panindang bilasang isda, pati isyu ng romansahan ay nabuksan na rin.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

26 thoughts on “Daniel Padilla, tumigil na sa pag-aaral!

  1. ..ang pag-aaral kasi yan ung importanteng bagay na meron kah..kasi kahit san k mgpunta dala dala mu yan at walang kahit sino ang pwedeng kumuha..ang work nanjan lng yan nghihintay…pero sabi nga nila when oppurtunity knocks grab it….peo pde din nan niyang pagsabayin ang work sa pag-aaral..

  2. kawawa naman si daniel padilla puro nalang issue niya .. mabuti pa vote nalang kayo … issue lang toh … of naman meron plano si daniel mag aaral lahat tayo merong plano kaya ngayon plano natin mag vote for love the of the year KATHNIEL ..

  3. Actually, Daniel Has Plans of Entering UP’s Conservatory of Music because of He’s Talents. But,Because of Their incoming teleserye,He Wasn’t Able to Enroll for this incoming school year of 2013-2014.

    • ohh…. nga! wag nyo pakialaman buhay nya … kc kada isa satin may kanya kanyang byhay… kya nga bawat isa satin binigyan ng diyos ng buhay para ito nlng pakialamanan ntin… 

      bsta khit ano mn ang sabihin nla kuya daniel ikaw parin ang IDOL ko/namin.. wg ka makinig sa kanila..   :)

  4. Ang messy mnan ngsulat n2 i connect b c daniel s paula bianca cno b un?n mkkpg aral pb c daniel buong month nia puno cia ng schedules wla bng ibng issue na masulat ang bbaw kc dq alam kung concern lng ang sumulat n2 or whattt..

  5. In my views about sa paghinto s pag-aaral ni DJ is…tama lng nmn kundi p nya kya pagsabayin un sa work nya at this tym…at tama din lng n unahin nya un work at me kinikita nxa na maaari din nmn isave for his future at pede nya magamit sa muling pagbabalik schooling,,,I rememberwhen i was in college…my auntie persuade me na mg-apply sa Motorola…so Go nmn ako…at ng-exam kmi sa TUP campus sa taguig,. every set ng exam eh me timer kya kung d mo natapos un set eh bka bumagsak ka at mahirap din nmn kc. So when the results of the exam came out eh 2nd ako s highest kya sobrang tuwa ko. So the interview nmn was set, then e2 n it’s my turn na sa panel interview…the question was…if you were given a chance to choose which one do you like mos,t to continue your study or to get this job and work and earn your money? I choose the former for the reason that i wanted to have a degreee and by doing that xiempre eventually i will earn more than what i am going to earn if i opt to work at this stage…I did not got that job after i answered that question…according to my tita eh un ms pinaboran daw un sumagot n MS UUNAHIN UN WORK KSA S PAG-AARAL DHIL SA WORK EH ME AGE LIMIT AT SAYANG UN OPPORTUNITY NA PEDE KANG KUMITA AT MAGAMIT MO SA PAG-AARAL IF IN CASE N GUSTO MO NG MG-ARAL ULI AT S KDHILANANG ANG SCHOOLING EH LAGI LNG NANDYAN AT WALANG AGE LIMIT!

  6. ang iba nag-aaral para makahanap ng trabaho, sa ngayon daniel is hot item sayang naman pagkakataon kung papalampasin, ang school andyan lang yan kahit matanda ka na makapag-aaral ka basta may datung, kaya daniel strike while the iron is hot pero tapusin mo muna high school kahit yon man lang, 

  7. tinuloy ko ang pagbasa sa baba, kaya pala mag cocompare na naman si carasco…. at sino naman si paula blanca? sikat ba yan?  hahahaha….

  8. hindi naman nag research ng maayos ang writer na toh.. sa isang interview ni daniel,, parang kay ricky lo ata yun sinabi nya na mag-aaral na uli sya thru home study program. sa isang interview din sa isang site sinabi rin nya na gusto nyang maging arkitekto..

  9. anong bago? ganyan naman sa showbiz. nakatikim lang ng kasikatan, dun na nagfocus, pati mga magulang nakisabay na sa kasikatan ng mga anak kaya wala nang pakialam sa pag aaral.

    • Ano nmn ang problema????Un iba nga nakatapos nga me trabaho ba???? Samantalahin n nui DJ na me work xa at sikat sa ngayon dhil darating din nmn un time n me mga bagong darating at cla nmn ang sisikat…sa pag-aaral eh lagi lng andyn, at walang age limit sa pag-aaaral, time lng ang kailangan at di opportunity na kinakailangan nmn para mkakuha ka ng magandang trabaho at umunlad…then tsaka n cya mg-aral pg-ngmellow n un ksikatan nya o pede din nmn pag-sabayin…

    • sure ka walang pakialam? gaano ba kadami ang alam mo para makapag-conclude ka ng ganyan? close ka sa kanila? hindi dahil nag-aappear tayo na anonymous dito ura-urada nalang ang gagawing comments niyo.. BE RESPONSIBLE naman and RESPECTFUL. kung walang magandang masasabi, wag magsalita. ANG MGA KATULAD MO NAGPAPARAMI SA POPULATION NG MGA CYBERMONKEYS E! kahiya kayo…

  10. Kung ako rin titigil na ko ,, Sa pag aartista eh me pera ka na dami ka pang chicks. Tingnan mo na lan ung Tita BB nya (ex Tito Rustom nya) .May babae na may mga lalake pa.

  11. Gagaya rin siya sa mga Padillas. Walang natapos. Sana naman hindi ini-encourage ng magulang niya na trabaho muna bago aral at sana hindi naman siya ang bread winner ng pamilya.

    •  ,.mas importante tlaga yung pag aaral ,.kisa sa Career  ,.yung pinag aralan mo kahit kilan di mawawala sa pagka tao mo,. pwedi mo rin namang ipag patuloy yung pag aaral habang nag aartista ka,.,

Leave a Reply

Your email address will not be published.