Daniel Padilla, tumatambay pa rin!

TAMA ANG sabi ni Enrico Santos ng Skylight Films na sister company ng Star Cinema – hindi sila Star Cinema. Iba sila kahit magkapareho ang pinagmulan nilang kumpanya.

Kaya nga pati titulo ng mga pelikula nila, one word lang. Hindi mahahaba. Kumbaga, pelikulang iba sa Star Cinema para maiba naman ang timpla ng projects nila.

May mga artista kasi na gustong mag-eksperimento sa kanilang karir. Mga pelikulang kakaiba na hindi man pelikulang tatak-Star Cinema, tipong out of the box naman ang mga obra ng director at sumulat.

Tulad sa bagong pelikula nila at pangalawa sa taong 2013, matapos ang success ng Bromance na nag-launch sa karir ni Zanjoe Marudo, ibang timpla at lasa naman ang mapapanood ng publiko.

Si Jake Cuenca na love interest ni Eugene Domingo sa Tuhog (not the sex trip film noon na pinag-uusapan namin ng Pinoy Parazzi editor na si Danilo Jaime Flores habang kumakain ng lunch sa Dolphy’s Theater before the presscon) ay hindi de-kahon ang role sa kuwento na sinulat ni Jinky Laurel at sa direksyon ng Cinemalaya award-winning director na si Veronica Velasco.

Ang trailer iba. Si Uge, si Enchong at Leo Martinez na sakay ng isang non-aircon passenger bus na minamaneho naman ni Jake nagsimula (o nagtapos ang kuwento ng pelikula).

Sa presscon, kahit medyo may kaseryosohan ang Tuhog na tungkol sa buhay, sa pag-ibig at pangarap, laugh trip naman kami dahil sa walang humpay na punchline ni Uge. Nagbaliw-baliwan na naman siya na halos lahat, tawa nang tawa tulad sa karakter niya bilang si Fiesta na pinagsukluban ng tadhana na matatawa ka sa mga sitwasyon niya bilang anak ni Noel Trinidad na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay sama ng loob ang kinakain sa almusal hanggang midnight snack na nakatagpo ng pag-ibig kay Jake.

Kuwento nga ni Jake sa amin, sexy siya sa pelikula na dapat abangan ng publiko. May love scene sila ni Uge na medyo “HOT!”.

Sa trailer, I find Tuhog interesting. Lalo na ang role ni Enchong na nire-reserba ang kanyang virginity para sa kanyang girlfriend, at sa kuwento ni Leo na natagpuan ang kasiyahan sa buhay nang maging panadero sa huling pilas ng kanyang buhay.

Interesting sa sa amin ang Tuhog (showing sa July 17) kahit hindi pa namin napapanood ang kabuunan ng pelikula at ang basehan namin ay ang trailer pa lang.

 

NILINAW NG publicist ni Daniel Padilla na hindi umiinom ang teen idol.

Kung walang taping para sa bagong teleserye nila ni Kathryn Bernardo na Got to Believe ng Kapamilya Network na magsisimula na ngayong buwan, asahan mo na tambay lang sila ng mga kaibigan at bandmates sa haybols nila.

Basketball ang hilig ng pop idol. Pagdating galing trabaho o kung saan man, ang gagawin daw nito ay mag-basketball shooting.

Walang bisyo si Daniel, ayon sa kuwento ng publicist niya sa amin.

Anyway, sa bagong Primetime Bida serye ng binata, iba ang look ni Daniel. Hindi na K-Pop na long bangs na halos takip na ang mata at mukha na hindi mo na makita ang kaguwapuhan niya.

Sa bagong haybols na pinatatayo niya para sa kanyang pamilya sa may Don Antonio Heights sa may bandang Commonwealth sa Kyusi, naglaan ng espasyo ang mother dear niya na si Karla na puwedeng gawing basketball court para sa anak kung saka-sakali.

 

BLIND ITEM: Kawawa naman ‘yong US-based na Pinoy financier na naglabas ng almost US$20,000 (around 1 million pesos) para ipa-line produce ang isang pelikula na ipinagkatiwala niya sa isang “kaibigan” na aktres.

More than a year na ‘yong supposed to be movie project na wala pa rin progress report ang aktres na napabalitang sinunog na nito ang puhunan ng proyekto na as of this writing ay deadma ang aktres sa demand letter ng lawyer ng financier.

May letters “Z” at “L” sa kabuunan ng pangalan ng B.I. namin.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

19 thoughts on “Daniel Padilla, tumatambay pa rin!

  1. From now on, i will stop reading PEP and Fashion Pulis on the web. Both of them are irresponsible. Fashion pulis posted an article from an anonymous sender claiming that kim chiu was an ungrateful and an unforgiving daughter and did not provide financial support to her mother while she was sick. We all know that these were all lies. The Fashion pulis column of mike sy lim did not investigate the claims on the letter before posting its contents. This was irresponsible journalism. Since the fashion pulis would not post my critique on his column, i decided to bring this up on PEP. PEP removed my two comments within a minute which infringed on my free speech right. Both PEP and Fashion pulis are in cahoot about this issue. I do not know if they are owned by the same company or the Fashion pulis mike sy lim has a strong connection with PEP that they decided to delete my comments asking bloggers to stop reading the Fashion pulis website. Now i have to include PEP also. I hope you guys will not do what PEP did. Can you make an article about this? Both PEP anf Fashion pulis need to know that free speech is protected under the law and there was no profanity in my comments. It was just asking bloggers to boycott the Fashion Pulis because of the article that he posted without investigating it first. Thank you.

  2. Tangna naman Villacorta napakadali ng Blind Item mo….. Siya ba si “riZal aLi”. Dati MNLF commander.

    • HAHAHAHA. ARAY KOH. TANDERS NA YON. BAKA NAMAN SI ZSAZSA PADILLA? ALAM NYO NAMAN, SA TRU LANG, WALA RIN NAMANG MALAKING PERANG NAIWAN SI DOLPHY SA KANYA DAHIL UBOS LAHAT SA SANGKATERBANG ANAK AT GF’S. REMEMBER, SI MVP NG TV5 PA ANG SUMAGOT NG HOSPITAL BILLS NA MILYONES. AT BALITANG NILIBRE NI TETAY YANG SI ZSASHING NUNG MAG-VACATION SILA ABROAD. AT NUNG TIME NA NAGKAKASAKIT NA SI DOLPHY AT BINA-BASH SINA ZSA ZSA DAHIL GURANGERS NA RAW SILA AT DAPAT NANG MAG-RETIRE SA ASAP, SABI NG LOLA, DI RAW BA SYA DAPAT KAAWAAN DAHIL SYA RAW ANG BREADWINNER NG FAMILY DAHIL MAY SAKIT NGA ANG HARI NG KOMEDYA. TRULILI?

      • Naiccp q nga ang Divine diva, pero doubt aq, kya i think un LIZA DINO yng BI kc s states dn nkbase yn at indie. actress yn so bka sya un kc nmn dp nmn gnyang kahigpit pangangailangan ni ZsaZsa. At un $20k  npuhnan pra s project eh png indie film budget lng un so mlamang n c Liza Dino nga.

      • AY PWEDE RIN YANG SI LIZA DINO. KASI BASED YATA YAN SA AMERIKA AT NAG-I-INDIE NGA. HMMMM…EH DI BA MAY CHIZMAX NA PINOPORMAHAN NI AIZA SEGUERRA? HAHAHAHA. TRULILI BA YON?

      • NAKU MAY TUMPAK SA KORAK KA TEH, MAY NAKAKITA RAW NA DINI-DATE NI AIZA SI LIZA DINO SA MAY SOMETHING DYAN SA TABI-TABI HAKHAK!

      • Dn txizmax un teh dhil d nmn nila tinatago o dinedenay watever dTe nga o tropang lambingan lng cla

Leave a Reply

Your email address will not be published.