Daniel Padilla, sobrang iniingatan ang kasikatan

Daniel-PadillaMAYABANG LANG tingnan kung pumorma si Daniel Padilla, dahil nagmana nga siya sa kanyang mga tiyuhin gaya nina Robin Padilla at Rustom Padilla nu’ng hindi pa siya si BB Gandanghari, na larga sa ganda kung pumorma. Nakuha rin ng ka-loveteam ni Kathryn Bernando ang istilo ng pagdadala ng personality ni Carla Estrada na kanyang Mommy, na parang may angas ang dating dahil sa kaprangkahan, pero mahusay namang makisama sa likod ng kamera bilang kaibigan.

Pero kahit sikat na sikat na si Daniel, hindi nangyayari ang kinatatakutan ng marami na kapag ipinagyabang niya ang kanyang kasikatan ay iyon ang magiging simula ng kanyang pagbagsak. Simple pa rin kasi siya hanggang ngayon. Ang nagbago lang ay sobra siyang busy dahil sa showbiz kaya nagkukulang siya ng panahon para sa ibang tao. Pero saan man nakarating ang popularity ni Daniel, hindi niya kinakalimutan ang kanyang pamilya.

May bago na namang pelikula si Daniel, kapareha si Kathryn, ang She’s Dating The Gangster ng Star Cinema. Kapag may bago siyang pelikula, sobra ang pasasalamat sa Diyos ng guwapong actor. Hindi niya kasi akalaing mararating niya ang magbida sa pelikula. Ang tagal kasi ng dinaanang hirap ng kanilang pamilya, at nakita ni Daniel kung papaano nagtiis noon ang kanyang Mommy Carla para sila makaraos. Ang pagsikat ni Daniel ang nagpabago sa takbo ng buhay ng kanilang pamilya, kaya sobra niyang iniingatan ang kanyang kasikatan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

3 thoughts on “Daniel Padilla, sobrang iniingatan ang kasikatan

  1. He will flourish as an actor and as a person. He come across so much like his uncle Robin, and learned also his lessons from his father’s family. Good boy Daniel, you are young but the future holds a lot for you as an actor. Stay as humble as you are now.

  2. Pingback: Daniel Padilla, sobrang iniingatan ang kasikatan - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.