Daniel Padilla, pupunuin ang Araneta!

MAALIWALAS NA maaliwalas ang mukha ni Karla Estrada nang makita na-min siya sa birthday presscon ng kanyang anak na si Daniel Padilla.

Kung may isang nanay na super saya nga-yon sa mundo ng showbiz, isa na yata sa ngangunguna itong si Karla. Siya lang naman ang nanay ng isang phenomenal male teenstar.

Yes, sa dami ng projects ngayon ni Daniel, makukunsider na nga siyang teen superstar. Mapa -recording, concert, telebision, movie at commercial.

At sa April 26 ay magdadaos na siya ng kanyang 18th year sa mundong ibabaw. May mahihiling pa ba siya? Wala na, ‘di ba? Kaya nga nasabi nga niya na God is so good.

“Ibinigay po ni Lord ang gusto kong mangyari. At kahit ang hindi ko inaasahan ay ibinigay niya. Yes, I’m so blessed,” sey ng guwapong aktor.

Ano ba ang kanyang birthday wish? “Good health for me and for my family.”

Matunog na ang kanyang concert sa Smart Araneta ay mapupuno na niya dahil nga balitang sold-out na ang tickets.

Kung saka-sakaling mapuno nga niya ng tao ang concert niya, siya ang kauna-unahang bagets male star na nakapuno ng Araneta. Dalawa na sila ni Sarah Geronimo. ‘Yun na!

Sana maging humble pa rin si Daniel, tulad ng kanyang Tito Robin Padilla. Na apak na apak pa rin ang mga paa sa lupa.

Pero dinig naman namin na busog sa pangaral itong si Daniel sa kanyang ina. Kaya lumaking matino naman at mapagmahal itong si Bagets.

 

TRUE BA ito na naghihintay lang naman pala itong si Lovi Poe na imbitahin siya ni Grace Poe na mangampanya na magkasama? Kung ang ibang artista nga ay nalalapitan ng kampo ni Grace, pero bakit ‘di magawa nito kay Lovi?

Up to now daw kasi kahit na malapit na ang election ay wala pa ring paramdam ang kampo ni Grace. Open naman daw si Lovi oras na siya ay tawagin para sa suporta.

Ang tanong tuloy ng marami, bakit hindi magawa ni Grace? Ano raw ba ang totoo? Insecure ba siya kay Lovi o hanggang ngayon ay hindi matanggap niya na meron siyang kapatid na Lovi na mas sikat na yata sa kanya.

Ang sa amin lang, dapat na magkaayos ang dalawang kampo. Magiging positibo for Grace oras na siya ang magpakumbaba.

Hindi magandang imahe  sa isang senador na hindi nito kayang ayusin ang pakikisama sa kanyang kapamilya.

‘Yan daw ba ang iluluklok natin sa Senado?

Kung ako ang boboto sa 12 senador. Pang-13 ko na lang si Grace. Sa totoo lang.

 

DARLING ANG dating at very supportive ang aming kaibigan na si Mam Tates Gana sa birthday presscon ni Daniel Padilla. Matagal na palang mag friend sina Tates at Karla.

“I’m here to support,” sabi ni Tates.

Natuwa pa nga itong si Tates nang marinig niya ang sagot ni Daniel na gusto niyang bigyan ng gift ang kanyang mommy Karla. May anak na child actor si Tates na si Harvey Bautista na isa sa mga batang gumaganap sa Goin’ Bulilit sa ABS-CBN. Sa mga hindi knows, anak ni Mayor Herbert  Bautista si Harvey.

“Ako kaya, kelan ako bibigyan ni Harvey,” sey niya sa amin.

Sinagot naman namin si Mam Tates na ‘malapit na’. Ilang taon na rin kasi at magbibinata na ang child actor na si Harvey.

 

DATI, UMIIKOT si Gladys Reyes ng network. Now, exclusive contract artist na siya ng GMA-7. Sabi nga niya sa amin, first time niyang maging exclusive sa isang TV network. “Dati kasi, sa lahat ng network okey ako. Ngayon ko mararamdaman kung ano ba ang ibig sabihin ng exclusive.”

Simula na siya sa bakuran ng GMA-7 via the show Home Sweet Home with Raymart Santiago and Roxanne Guinoo at ang child actress na si Jillian Ward.

Bale 2 years contract ang  contract niya sa Kapuso. “Madali lang naman ang panahon, mabilis ang takbo ng oras, kaya naman hindi ka maiinip,” sey pa ni Gladys.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

8 thoughts on “Daniel Padilla, pupunuin ang Araneta!

  1. Ahh talaga.?!
    Alin ang kakantahin nya
    Yung hit song (daw) nyang
    “Nasayo na ang lahat
    Minamahal kitang tapat”
    Ahahaha
    Sakit sa tenga nun.
    Minsan mga pinoy di pumipili ng idol
    Porket gwapo idol na.?

  2. kumita naman 65 million yata in 3 weeks pero syempre sa star cinema 100 million yata para masabing blockbuster ang isang movie..pero considering na naka 65 million ibig sabihin may ibubuga talaga lalo na at first solo movie palang naman..

  3. ang tanong mapuno kaya ang big dome? eh, di naman masyado kumita yung pelikula nila ni kathryn? suntok ba sa buwan yan hehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.