Daniel Padilla, pinatunayan daw kay Kathryn Bernardo na ‘di siya babaero!

SOBRANG THANKFUL sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa launching film nilang Must Be… Love ng Star Cinema. Kung ang young actress ay may kaba at takot sa kanilang pelikula, hindi si Daniel. Katuwiran niya, hindi raw makatutulong ang kabang mararamdaman.

“Ako, wala akong kabang nararamdaman .Kasi kahit ano ang maramdaman mo, wala rin. Kaya hintayin ko na lang ang resulta. Ako, ginawa ko talaga ang best ko, lahat kami, ginawa namin ang aming makakaya para maging maganda ang movie namin. At saka, malaki ang tiwala ko sa mga fans namin ni Kathryn. Confident ako na susuportahan nila kami. Hindi makatutulong ang kaba, gusto kong maging positive kami sa movie namin. Marami nang pinatunayan ang mga fans namin sa amin,” say ni Daniel.

Kahit unti-unti nang naabot nina Daniel at Kathryn ang tagumpay, hindi nila inilalagay sa kanilang isipan na sikat na nga sila.

“Para sa akin, huwag isipin kung ano ‘yung na-achieve mo, ‘di ba? Palagi nating iisipin, bilog ang mundo, ngayon nasa itaas ka, bukas puwede kang nasa ibaba. Basta ako, I’ll do my best sa mga ginagawa kong project. Si Mama palaging nand’yan para i-remind niya sa akin kung ano ang tama sa mali. Siguro depende sa tao kung paano niya iha-handle ang success,” paliwanag ni Kathryn.

Inamin nina Daniel at Kathryn na may mga sweet moment silang ginawa sa isa’t isa na hindi nila malilimutan.

“Siguro ‘yung last year na Valentine’s, kasi na-surprise ko siya. Hindi niya alam na nandu’n pala ako. Sa bahay ng Tita namin (Kath), sabi ko may meeting kami, hindi ako makapupunta. Pagdating niya, nakasara ang pinto, pagbukas niya, sobrang dami ng roses na petals. Dream kasi niya, (candle-lit) dinner so ‘yun ang ginawa ko, surprise dinner,” excited na sabi ni Daniel na pinatotohanan naman ng young actress.

Ikinuwento ni Daniel na binigyan siya ni Kathryn na T-shirt na Batman (collection item galing US) dahil favorite super hero niya ito. “Siyempre, para sa isang babae na bigyan ka ng T-shirt, parang pinapakita mo na gusto mo siya, pero hindi. Kumbaga, pinapakita niya sa akin na mahalaga ako.

Hindi ipinagkaila nina Daniel at Kathryn na may mutual understanding na sila kaya lalong na-ging solid ang kanilang samahan na ikinatuwa na kanilang mga fans. Something special ang trato nila sa isa’t isa kaya’t lalong lumalalim ang kanilang friendship.

“Si Daniel, sobrang maalaga siya, sa shooting mararamdaman mong special ka, hindi ka mababastos ng ibang tao. Ako talaga, tinitingnan ko sa isang lalaki ‘yung gentleman, tapos siya mabait sa Mama ko. So, lahat ng qualities na ‘yun, nasa kanya. At saka, astig, hindi mo makikita sa iba na pa-cute, ‘yung ganyan, iba siya. Kahit ihilera mo siya sa ibang boys,, mag-stand-out talaga si Daniel,” kinikilig na papuring sambit ng dalaga.

“Kumpleto kapag si Kathryn ang kasama ko, masaya ako. Siyempre, gusto ko siyang makasama ng mahabang panahon.” Simpleng-simple lang siya at charming,” sambit naman ng young idol.

Sinabi rin ni Daniel na nagbago na ang image ng mga Padilla sa pagiging babaero at siya nga raw ang magpapatotoo nito. Tuloy, ‘yung pagiging playboy ni Robin Padilla noon ay ikinakabit sa kanya.

“Kasi, maraming tao ang na-stuck na du’n sa issue na ang Padilla ay babaero. Lumilipas din po ang panahon, talagang ganu’n. Nagkataon sa mga palabas na ganu’n talaga ang sasabihin, babaero. Kaya, nagbago na po talaga, seryoso po ako.”

If ever, ready na kaya si Kathryn na masaktan kung sakaling may babaeng umagaw sa kanya kay Daniel? “Sa akin naman, ‘yun talaga ang first impression ko na babaero ang mga Padilla. Pero nabago na, kasi na-prove naman sa akin ni Daniel. Isa siya sa mga lalaki na mapagkakatiwalaan. So, depende rin ‘yung sa lalaki.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

4 thoughts on “Daniel Padilla, pinatunayan daw kay Kathryn Bernardo na ‘di siya babaero!

  1. wehhh, talagang hindi babaero si DJ, kasi iba ang hanap niya,,,??????? tulad ng hanap ng Tita BB niya. get ninyo. 

  2. para sken wla naman msma qn swit cla,at dq naman nkkta sa kathniel na cla un tipo ng kbataan na gagawa ng khhyan nla..mgnda ang pgpapalaki sa knla,mga t0t0o ta0,.pnpkta lmg nla qn gnu nla gus2 isat 1,cgurado naman wla masma dun db..ms ok naman un kesa tago cla sa mga kil0s nla..

    • korek! baka nga may nangyayari ng hindi pa pwede eh haha! alam mo naman ang mga kabataan ngayon mapupusok!

Leave a Reply

Your email address will not be published.