Daniel Padilla, pinatunayan ang lakas ng karisma

SI DANIEL Padilla na ang hottest young actor ng bagong henerasyon. Pinatunayan niya ito sa MOA Arena kung saan nagkaroon ng basketball championship match ang Team Gino at Team Jao ng Princess and I. Sa nakita naming lakas ng impact, tilian ng fans, isinisigaw ang pangalan ni Daniel. Siya na ngayon ang bagong idolo ng masa. Nakita namin kung gaano nagtiyagang pumila at naghintay ang kanyang mga tagahanga para makita at mapanood maglaro ang kanilang idolong si Daniel. Malaki ang naitulong ng teleseryeng Princess and I sa career ng binata, same with Kathryn Bernardo at Enrique Gil para lalo silang sumikat at magkapangalan. Nang dahil sa taas ng rating nito at sa kahili-ngan ng viewing public, nag-season 2 pa ito.

Ang lakas talaga ng dating ng loveteam nina Daniel at Kathryn sa fans. Sila na ngayon ang bagong mamahalin ng masang Pinoy. Maging sa abroad ay patok sa ating mga kababayan ang kanilang teleserye. Magaling talagang magpasikat ng mga baguhan ang ABS-CBN. Sa pamamagitan ng Princess and I, nabuo ang loveteam na Daniel at Kathryn. Naging bukambibig ang pangalan ni Daniel kaya’t na-ging mabenta ito sa advertisers. Ngayon nga, kaliwa’t kanan ang commercial at endorserment ng binata.

Nakita rin namin kung papaano binibigyang-halaga ni Daniel ang kanyang fans. Nakikipagkamay ito, pa-picture, autograph signing, okay lang sa kanya. Kung puwede lang, lahat ng fans, gusto niyang pagbigyan tulad ng kanyang Tito Robin Padilla na sobrang magmahal sa fans.

Inamin ni Daniel na may pagbabagong nangyari sa kanyang buhay nang maging sikat na artista na siya. Kung dati, nagagawa niyang mag-jeep, mag-bus, sumakay sa tricycle, ngayon ay hindi na. Pero ‘yung kasimplihan ay ganu’n pa rin. May sariling siyang style sa pananamit, puting T-shirt, masikip na pantalon, walang nagbago. Kung anuman ang narating ngayon ng young actor ay sa sarili niyang pagsisikap at hard work.

Palibhasa, may angking-talino rin sa pagkanta kaya’t naging platinum agad ang solo album nito. Dagsa rin ang suporters ng young actor sa kanyang mall shows. Inihahanda na ang susunod niyang album under Star Records.

Sa pamamagitan ng soap, naging malapit sina Daniel at Kathryn sa isa’t isa. Hindi natin alam kung saan hahantong ang pagiging close friends nila. Parang totoo nga raw ang mga nakakikilig nilang eksena lalo na ‘yung nagpahayag ng kanyang damdamin ang binatilyo, tsika sa amin ng malapit na kaibigan ni Daniel. Feel na feel ng fans ‘yung mga ganu’ng eksena. Kahit nga naman ilusyon lang, ma-feel nilang sila si Kathryn, nililigawan at sinusuyo ng kanilang idolong si Daniel.

Magkasama sina Daniel at Robin sa pelikulang Kuratong Baleleng. Masaya ang young actor dahil Padilla clan ang kasama niya rito. Para nga raw nagba-bonding sila tuwing may shooting, pero seryoso tuwing may take. Ibi-nibigay raw niya ang best tuwing kaeksena niya ang action superstar. Ayaw mapintasan kaya’t ginagalingan nito ang pag-arte para matuwa ang kanyang Tito Robin. Parang Tatay na nga kung ituring ng binatilyo ang idolo niya. Ayon kay Daniel, sa pamamagitan ng movie project na ito, lalong naging close ang Padilla clan.

Kapansin-pansin ding nakuha ni Daniel ang kilos at pananalita ni Robin, pati nga style sa pananamit, pareho sila. “‘Yung magandang pag-uugali at pagiging mabait sa kapwa, ganu’n po kaming lahat,” say nito.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

3 thoughts on “Daniel Padilla, pinatunayan ang lakas ng karisma

  1. dahil din kay daniel kaya visible ulit ngayon sa showbiz ang parents niya. Sana lang di lumaki ang ulo niya dahil sa tinatamasa niyang kasikatan ngayon!

Leave a Reply

Your email address will not be published.