Daniel Padilla, pinasaya ang tagahangang may birthday!

UM-ATTEND KAMI sa birthday party ni Mary Joyce Palado Pascua last week sa paanyaya ng kaibigang Richard Pinlac at nagulat kami dahil super star studded ang kanyang 14th birthday, huh. Imagine, na-achieve nila ang kanilang temang ‘Princess and I’ dahil literal na dumating ang tatlong bidang lalaki ng ‘Princess and I’ teleserye ng ABS-CBN. Sobrang kinilig si Mary Joyce nang sorpresa siyang handugan ng awitin nina Khalil Ramos, Enrique Gil at Daniel Padilla.

Tilian naman ang mga kaklase ni Mary Joyce sa pagdagsa ng iba pang mga artista. Panahon nga talaga ni Daniel Padilla dahil hindi matatawaran ang sigawan at palakpakan nang sumalang na siya sa stage.

Happy 14th birthday Mary Joyce at salamat kina Mommy Jeniffer at Tita Thess.

 

NAKAUSAP NAMIN si Elmo Magalona nitong nakaraang Saturday at inusisa namin siya tungkol sa hindi kagandahang resulta sa box-office ng pelikula nila ni Julie Anne San Jose na Just One Summer.

Sinabi niyang hindi naman siya apektado roon at ang mahalaga raw ay nabigyan nila ng justice ‘yung kanilang pag-arte sa movie. Ganu’n?

 

NAKAUSAP DIN namin si Johan Santos last week at inusisa namin siya kung ano na ang mga pinagkakaabalahan niya sa ngayon.

Masaya niyang kuwento, “Sa theater, sa teatro muna ako. Sa iba’t ibang schools, minsan nag-a-out of town kami.”

El Filibusterismo ‘yung play, tapos meron kaming isa pa, sariling kuwento na ‘Hindi Pa Ako Tapos’ tungkol siya sa mga estudyanteng hindi pa nagtatapos sa kanilang mga pag-aaral, kung ano ‘yung mga nangyayari sa kanila.”

Kasama ni Johan sa mga theater projects na ito sina Lucky Mercado at Princess Ryan.

Hindi man siya gaanong visible sa mga TV project, masaya naman daw siya na kahit papa’no ay mga TV guestings din naman na dumarating sa kanya. Pero regular show, wala pa raw so far.

Nakaka-miss daw ang magkaroon ng regular show dahil, “Oo naman siyempre, sa buhay namin ‘yun ang wish namin, na masaya kami ‘pag may show kami kahit pagod, puyat.”

Masaya namang ibinahagi ni Johan na finally after two long years ay nakuha na niya ang titulo ng bahay na napanalunan niya sa isang challenge noon sa loob ng Pinoy Big Brother house. Saad niya, “’Yung bahay actually, nakuha ko na ‘yung title, ‘yung du’n sa Globe Asiatique, hindi pala kasama ‘yung bahay ko du’n, kumbaga, ‘yung sa akin malinis siya, ‘yung papel, so safe siya. Nakahinga ako nang maluwag. Medyo two years din ‘yun eh, bago naibigay ‘yung title.”

Pero wala naman daw balak ang binata na tirhan ang nasabing bahay. Paliwanag niya, “Nasa akin na ‘yung title, ngayon lang, gusto ko na ring ibenta kasi ‘di ba wala namang nakatira du’n? Pero ‘yung mama ko, pinarentahan siya, kahit papa’no para may kita rin.”

Sa ngayon daw ay malapit nang mag-taping si Johan para sa indie film na Pedro Calungsod.

May mga offer kaya sa kanya na magpaka-daring na sa indie movies? Pag-amin niya, “Normal lang ‘yun, ilang beses na akong inoperan, may kissing scene sa kapwa lalaki, kailangang maghubad pero hindi ko tinatanggap, eh. Ayo-ko pa, eh. Hindi pa ako handa.”

Dugtong pa niya, “Mas gusto ko pa kasi ngayon na maximize ‘yung kaya kung gawin, nang hindi ko kailangang magpakita lahat. Puwede naman ‘yung sexy-sexy lang, topless, mga ganu’n lang muna.”

Isa sa maaaring pinakamalaking intriga na kinaharap ni Johan noong pagkalabas niya ng bahay ni Kuya ay ang diumano sex scandal niya na kumalat sa internet. Kamukhang-kamukha niya ang naturang lalaki, pero napatunayan din in the end na hindi siya ‘yung nasa video.

Dagdag pa niya, “Oo nga, ‘di ko nga alam kung saan nanggaling ‘yun. Pero masaya na ako na nawala na ‘yung ganu’ng issue.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

6 thoughts on “Daniel Padilla, pinasaya ang tagahangang may birthday!

  1. SAYANG NAMAN FIRST MOVIE PA NAMAN NG KAMBAL NI KEDEBON!!! FLOPSINA AGAD!!! BUTI PA SI KEDEBON MAS SIKAT PA ATA SA KAKAMBAL NYANG SI MAELMO HAHAHAHAHAAHA AS CLAIM NG KAPUCHU CHANNEL HOTTEST MOVIE AT HOTTEST LOVE TEAM NG BANSA SILA MAELMO AT BABALINA SAN JOSE HA!!!1 PERO NGA NGA ANG PELIKULA HAHAHAHAHA

  2. d nmn tlga cla apektado eh PRODUCERS LNG ANG NALUGI cla BAYAD kya wala cla pakialam kung FLOP man movie nila…bad influence ang mga yn walang care sa mga taong nag-aruga s knila pra mbigyan cla ng movie

  3. itong julieann at elmo na to ang namintas kay daniel sa iang video nila na pinagtatawanan at sinabihan si dj na probinsyano ang style sa pagkanta.. ang lalakas ng mga loob, wala namang binatbat. yung pinintasan nila may double platinum. ano na kaya ang nangyari sa album ng crossbreeed ni babaji at babalu na si julieann? 

  4. NAKAUSAP NAMIN si Elmo Magalona nitong nakaraang Saturday at inusisa namin siya tungkol sa hindi kagandahang resulta sa box-office ng pelikula nila ni Julie Anne San Jose na Just One Summer.

    Sinabi niyang hindi naman siya apektado roon at ang mahalaga raw ay nabigyan nila ng justice ‘yung kanilang pag-arte sa movie. Ganu’n?—————————————————————————————————————————————–

    hindi ka apektado? juskels, pareho lang sila ng sinabi ni julieann, hindi apektado. IPOKRITO/IPOKRITA, samahan mo pa ng pagiging sinungaling.. 

     

Leave a Reply

Your email address will not be published.