Daniel Padilla, masusubok ang kasikatan sa pelikula at concert

AWARE SI James Yap na hahaba lang ang isyu kung magre-react pa siya tungkol sa mga emote ng kanyang ex-wife na si Kris Aquino tungkol sa pagpirma niya sa huling tsekeng nagkakahalaga ng ayaw ibuking na milyones para sa kanilang settlement. Masakit din para sa kanya ang mga kantiyaw ng ibang tao, na ang laki-laki raw pala ng halaga na mapupunta sa kanya dahil sa naging hiwalayan nila ng mommy ni Bimby.

Hindi kumportable si James na pag-usapan ang tungkol sa bagong pasabog ni Kris tungkol sa perang makakaparte niya sa kanilang naging hiwalayan. Bukod sa talaga naman kasing matipid magsalita ang sikat na basketbolista. Kahit masakit din sa kalooban niya ang kantiyaw ng ibang tao, deadma na lang siya. Nasa batas naman kasi iyon ng hiwalayan, kung anuman ang mapupunta sa kanya ngayon.

Masakit talaga para kay Kris ang nangyari, at isang malaking panghihinayang na napakalaking halaga ng pera mula sa kanyang naipon at pagsisikap ang mapupunta kay James dahil sa kani-lang hiwalayan. Pero hindi ipinagsasaya ni James ang nangyari, dahil para sa kanya ay ina pa rin si Kris ng kanilang anak. Kung pera lang ang usapan, milyones din naman ang kinikita niya bilang sikat na basketbolista sa bansa.

 

NANGUNGUNA TALAGA sa kasikatan ngayon si Daniel Padilla sa hanay ng mga bagets, kahit itapat pa sa kanya ang mga pinasisikat ng GMA 7 at TV 5. Ang mga kabataan ngayon ay siya ang ginagaya, maging sa pagdadala ng porma at pa-cute na panliligaw kay Kathryn Bernardo. Madali naman kasing makagaanan ng loob ang pamangkin ni Robin Padilla, dahil simple lang siyang magdala ng kanyang kasikatan. Walang angas.

Bilib na siyempre ang ABS-CBN sa popularity ni Daniel, dahil nasubukan na siya sa ilang teleserye at pumaimbulog na nga siya sa kasikatan sa pinakahu-ling serye niya sa Kapamilya Network, ang Princess And I dahil nagmarka siya roon.  Nakagugulat din ang dami ng kanyang mga fans, pero dahil libre nga ang mapanood siya sa telebisyon, ang tilian at palakpakan siya, kaya paparating na sa kanya ang pagsubok ng Star Cinema kung talagang kaya na niyang magbida sa pelikula, ang Love Me Maybe kasama si Kathryn.

Magkakaroon din si Daniel ng solo concert sa Smart Araneta, kaya magkakaalaman na talaga kung siya na ang susunod sa kasikatan nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez. May kaba pa rin si Daniel kung makakaya na ba niyang iangat ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng malalaking proyektong dumarating sa kanya ngayon. Pero naniniwala siyang may nakalaang suwerte para sa kanya rito sa showbiz.

 ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

10 thoughts on “Daniel Padilla, masusubok ang kasikatan sa pelikula at concert

  1. LUH! grabe pala kinakabahan ako baka di niya mapuno ang smart arameta kasi mga bagets pa ang kanyang mga fans baka di sila paygan at baka walang pera diba ah! pero tiwala lang yan sana andoon si kathryn hehe………………^_____________________________________^

  2. prince of mall shows natawa naman ako dun! libre lang naman kaya manuod sa mga mall shows! L0L

    aminin na natin si daniel na talaga ngayon ang hottest teenstar ngayon! Jusko kahit poster lang niya ang makita tilian agad ang mga bagets kalowka! Yun nga lang andami pa niya talagang dapat na patunayan! Lets see talaga sa magiging outcome ng movie at concert niya sa araneta! Isang malaking goodluck talaga!

  3. marami pang kakaining bigas tong si daniel padilla di pa rin nya kayang pantayan si jake vargas ang prince of mall shows

    • dyusko, anong binatbat naman ni jake (boytoy ni kuya germs) vargas kay daniel padilla? NAMAN! eh, tsinugi nga yung teleserye nila ni bea bineni kasi hindi matibag yung be careful with my heart haha! at tsaka may box office hit movie na ba si jake or pelikulang kasama siya? naman! wala pa! hahahaha! wag na kasi feeling!

  4. masusubukan talaga si daniel ngayon sa mga upcoming projects niya karamihan pa naman sa mga fans niya mga bagets na kelangan ng consent at pera ng mga magulang! Well goodluck parin!

  5. Kya yan s dmi ng fans ni DJ kyang punuin khit araneta pruweba n kya un s moa nung final game ng basketball db halos zumabog ang moa s dagundong ng hiyawan pra k DANIEL!

Leave a Reply

Your email address will not be published.