Daniel Padilla, mas naungusan si Kathryn Bernardo sa kasikatan

KAHIT SIKAT ngayon ang loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, masasabing naungusan na ng young actor ang kasikatan ni Kathryn, dahil sobrang tinitilian na talaga ng mga bagets na fans ang pamangkin ni Robin Padilla, at maging ang mga kabataang lalaki ay bilib din sa mga katangian ng anak ni Karla Estrada, lalo na sa pagdadala ng kanyang porma, dahil cool na cool lang daw ang kaguwapuhan ng binatilyo.

Pero dapat tutukan muna ni Daniel ang loveteam nila ni Kathryn, dahil malakas talaga ang kanilang teleseryeng Princess And I ng Kapamilya Network. Maging ang Mommy ni Daniel na si Karla ay aminado rin na sikat na ang kanyang anak.  Pero napakabait daw ni Daniel, dahil kahit sikat na sikat na ang bagets ay hindi pa rin daw nagkakaroon ng pagbabago kapag nasa loob siya ng kanilang tahanan. Hindi raw ito umaasta na parang dapat siyang bigyan ng special treatment.  Dahil bongga na nga ang career, kapag daw umuwi ng bahay si Daniel ay halatang pagod at kailangan na talagang magpahinga. ‘Yun lang daw ang pagkakaiba sa ngayon.

Matigas at diretsong magsalita si Daniel, puna ng marami. Pero itinatanggi ni Daniel na ginagaya niya ang style ng kanyang tito na si Robin. Hindi lang daw talaga siguro maiiwasan na magkaroon sila ng pagkakahawig, at ito ay dahil sa kanilang pagiging magka-dugo. Hindi nga maligoy si Daniel kapag mayroon siyang nagugustuhang babae, dahil nailalabas niya kaagad ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng salita. Iyon daw ang isa sa mga katangian na namana niya kay Binoe.

 

AMINADO SI Shaina Magdayao na napakalaking tulong ng closeness nila ng kanyang sister na si Vina Morales sa kalungkutang kanyang naranasan dahil sa naunsiyami nilang relasyon ni John Lloyd Cruz. Hindi na kumpletong naipahayag ng bidang aktres ng teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo ng ABS-CBN ang mga sakit ng kalooban na kanyang naranasan habang pinaglalabanan niya ang kanyang emosyon nu’ng kakahiwalay pa lang nila ni Lloydie, dahil ma-tindi nga ang suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang ate.

Nakita raw kasi ni Shaina ang sitwasyon noon ni Vina, kung saan ilang ulit din itong dumaan sa pagkakaroon ng mga bigong pakiki-pagrelasyon, na ang pinakamatindi ay ‘yung pagkakaroon nila dati ng ugnayan ni Robin Padilla na naging kontrobersiyal noon sa showbiz.

“Hindi na kasi kailangang sabihin pa ng Ate ko, na makakaya ko rin at kung ano man ang nangyari ay lilipas din. Kasi nga, nakita ko talaga sa kanya, na napakabata pa niya noon, pero naging matatag siya at nalampasan niya iyon,” wika ni Shaina.

Mayroong mga negosyo si Vina na pinagkakaabalahan bukod sa kanyang showbiz career. Tumutulong si Shaina sa mga negosyo ng kanyang ate sa ngayon. Kaya para sa magandang aktres ay positibo ang dating na kapag malungkot ka ay mas abalahin mo ang sarili mo sa maraming trabaho, para hindi ka magmukmok. Blooming na ulit ang byuti ngayon ni Shaina, palatandaang nakabawi na siya pagkawasak ng relasyon nila ni JLC. Pero hindi pa raw siya ready na pumasok ulit sa isang bagong relasyon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

20 thoughts on “Daniel Padilla, mas naungusan si Kathryn Bernardo sa kasikatan

  1. Wag mo ikumpara yan ang sama niyo parehas lang silang sikat marami paring taga hanga ni kath katulad ko pati yung ibang comment ang sama niyo wag niyo sila ikumpara dahil magkaiba sila at Hindi sila perpekto!

  2. I think Pinoyparazzi is not really a credible site. Please don’t compare Kathryn and Daniel. I love Daniel Padilla so much, pero because he is cute and charming. He can sing and he has Kathryn. Do you get my point? I am a Sociologist, and I believe that girls and other fans like Daniel because they see a guy whom they would all like to have as a Boyfriend. How? He tells the world he likes Kathryn. He shows it to the world that there is no other girl but Kathryn and because of that girls fall for him, since all girls want someone like Daniel, compared to other guys. Kathryn is the fuel that keeps Daniel’s engine running. :)

  3. daniel……. idol kita pag dating sa pormhan…… tsaka ung kantang prinsesa at hinahanap kita…. favorite ko un ehhh… ganun ka kasi ka cool……

  4. a message to the writer:

    super NEGA KA! wag kang manira ng loveteam. ikumpara ba ang dalawa? panira ka…sorry pero isang malaking buwisit ang balita mo. i love the loveteam sana wag kang magsalita ng ganian. ayaw na ayaw naming mga fans na ibinababa mo si kathryn. kabadtrip ka!

    kathniel fan ako, pero paghiwalayin mo yan, si kathryn pipiliin ko. ang mga fans ni kath mula bata hanggang matanda. si dj puros bagets na gurls. my gosh..naiinis ako talaga…stop this non sense! magsulat ka ng maganda di yung may paninira! God bless!

  5. Yang Daniel Padilla na ba yan yung teen actor na sikat na sikat sa mga babaeng teenager hahaha wag makapagsalita ng tapos ang mga fans nya sa panahon ngayon madaling magsawa ang mga fans lalo na kung babae at teenager ang fans

    • TAMA!! well hindi rin natin masasabi pero para sa akin mas okay ang career ni Kathryn… hindi sya mawawalan ng projects dahil inaalagaang mabuti ng management ang career nya.

  6. Sana maging strict iyon parent ni Kathryn sa anak nila, baka mamaya yan mabuntis. O kaya lagning kasama nanay ni Katlhryn sa mga taping or out of town, Alam mo na iba na ang panahon ngayon, mga Padilla matinik sa mga babae.

    • sana nga laging anjan si min bernardo para laging bantayan si kathryn at higpitan ng sobra na katulad ng ginawa ni divine para pag nag 24 na si kathryn don lamantod on national tv na parang kinikilig na tinedyer.. 

      KBbuddies ka ba? wag ka ng umepal na parang may alam ka kasi laging anjan ang nanay ni kathryn para gabayan sya ng tama.. 

      • LOL kung KBBuddies sya hindi na nya kailangang sabihin yan dahil alam namin na sobrang inaalagaan ng parents ni Kathryn si Kath pero hindi yung estriktong aabusuhin nila at cacastiguhin ng sobra sobra ang bata

  7. Dapat yan si Daniel maging hamble siya, huag magyabang. Nakita ko yan sa Sm Cubao, nag authograph signing. Pagkatapos niya, hindi mang lamang kumaway sa mga tao doon naghintay makita siya basta na lang umalis siya.

  8. namali ang spelling ko sa email add ko kaya iba ang lumabas na avatar.. kahit pala invalid ang ilagay mo na email add sa site na to pumapasok pa rin ang comment.. WEIRD..

  9. double platinum album, stampeding crowds in mall shows, tt in twitter, malamang nga na mas sikat na sya kesa kay kathryn.. bago magsimula ang princess and i ang sinasabi ng mga KBbuddies ginagamit lang ni daniel padilla si kathryn para sumikat ngayon nabaligtad na.. BILIS NG KARMA.. 

    • Hindi lang yan ang basehan ng kasikatan.. sige nga paghiwalayin ng ABSCBN ang dalawang yan tignan natin kung sino parin ang mas madaming projects isama na natin ang mga endorsements.

  10. sikat lang si daniel sa mga tween girls pero pagdating sa mga lalake at mga guramis, hindi na sya ganun kasikat. pang justin bieber ang peg ni daniel kaya di masasabing mas sikat sya kay kathryn.

  11. not true.. mas mabenta lang si Daniel sa mga bagets na babae, alam nyo naman ang mga babaeng fans sa atin. Pero si Kathryn patok sya sa mga bagets at mas may edad na fans, si Kathryn hindi lang pang teens kasi may mga fans din sya na not-so-old and old fans nung Mara Clara days pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.