Daniel Padilla, kinaiinggitan na ang sobrang kasikatan

SIKAT NA sikat talaga sa ngayon si Daniel Padilla, dahil gustong-gusto siya ng kapwa niya mga bagets na fans, lalaki man o babae. Pero sa taong 2013, marami pa siyang dapat na patunayan para masabing siya na nga ang bagong mamahalin ng masa at magiging number one sa showbiz.

Kumita man sa takilya ang Sisterakas ng Star Cinema na kasama sila ni Kathryn Bernardo ay masasabi pa ring pelikula talaga iyon nina Vice Ganda, Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino.

Mabait naman si Daniel at simple lang siyang binatilyo sa loob ng kanilang tahanan, dahil pinatutunayan ng kanyang Mommy na si Karla Estrada na ayaw ng kanyang anak na binibigyan siya ng special treatment porke’t artista siya.

Ang gusto raw ni Daniel ay kung papaano siya itinatrato ng kanyang pamilya noon, ganu’n pa rin dapat ngayon. Kahit maraming tao ang nagsasabi sa kanilang pamilya na sikat na sikat na nga ang young actor.

Dahil sa pagiging masunuring anak at mabait na kapatid ni Daniel, kaya maganda ang karma niya na magkaroon ng magandang career. Kailangan lang makagawa talaga siya ng mga proyekto kahit magkapareha sila ni Kathryn, na silang dalawa ang magdadala para kumita iyon sa takilya. Para mapatunayan niyang hindi nagkakamali ang kanyang mga tagahanga na suportahan siya sa kanyang career, kaya napaka-popular niya ngayon na kinaiinggitan ng ibang bagets sa bakuran ng ABS-CBN.

 

MAYROON PA rin naman talagang kilig ang tambalan nina Kris Aquino at Robin Padilla, dahil nagkaroon sila dati ng relasyon, na hindi nga lang nauwi sa kasalan, dahil siguro’y talagang hindi sila para sa isa’t isa.

Magkasama sila ngayon sa bago at magastos na teleseryeng ipinagmamalaki ng ABS-CBN, ang Kailangan Ko’y Ikaw kaya muling napag-uusapan ang kanilang nakaraan. Kaya lang, hanggang kilig na lang ang puwedeng mangyari para sa kanilang mga tagahanga.

Kasi nga, tantanan na ‘yang baka raw magselos si Mariel Rodriguez na wife ni Binoe sa muli nitong pakikipagpareha kay Kris. Mayroon kasing parehong katangian sina Binoe at Tetay na mahigpit na dahilan kaya hindi na sila pupuwede pa. Si Kris ay walang dating naka-relasyon na binalikan pa. Si Robin naman, dahil mukha pa rin siyang bata hanggang ngayon, kaya mga mas batang babae ang nagkakagusto sa kanya, kaya nga sila nagkatuluyan ni Mariel.

Sobrang busy si Kris sa mga panahong ito, kaya malabo pa talaga siyang magkaroon ng lovelife. Ratsada siya sa taping ng teleserye nila ni Robin. Napapanood siya araw-araw sa kanyang programang Kris TV at mapapanood ulit siya sa Pilipinas Got Talent na malapit nang ipalabas.

Normal lang na naaaliw ngayon si Tetay sa ex-boyfriend ni Heart Evangelista na si Daniel Matsunaga, dahil mahilig naman talaga siyang pumuri sa mga artistang guwapo.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

11 thoughts on “Daniel Padilla, kinaiinggitan na ang sobrang kasikatan

  1. sobrang lakas talaga ng appeal ni daniel padilla, yun ang lamang nya sa ibang artista kaya yung mga fans ng nasasapawan nya nauuwi na lang sa pagiging basher.. hello QUENATICS.. 

    si derick monasterio daw ang pantapat ng kabila sa kanya.

    • ha nuka, itong chupa-mhin-yuck na ito, sobrang insecure na naman sa GMA. hoy inday, mas maraming guwapo at magaganda ang breeding na mga lalaking artists sa GMA noh, Mas super dami kayang da who diyan sa dos, ang cha-vhaka at puro pa pa-chupa. iyang si daniel nga, sawang sawa sa chumu-chupa sa kanyang mga executives at co-artists niya diyan sa dos. aqt for sure, in the future magiging katulad rin iyan ng tita Bebe Gandanghari niya iyang si Daniel, magiging Daniela Bukangkiki naman ang name, bwahahaha….

      • wow galing ah pano mu nalaman na nanunupa xa bakit nachupa ka na ba nya o ikaw ang nag nanais matsupa si dj…o kaya namboboso ka kay daniel o pwede ring stalker o higit sa lahat greatest fan ka nya kasi alam mo lahat eh.hahahahaha at sino naman ang sikat sa mga gma?hahaha

    • he he talaga, saan sikat siya, eh may topak yan, hahaha, gaya gaya pa, pati hairdo,,,unang una laos na hairdo niya, pinauso na yan nina Zach, justine, dito unang gumaya niya ay si jake vargas,,,ano ba siya K- POp,,ha ha,,,mau originality ba siya,,hindi nga marunong kumanta yan ng Live, lipsynch ang alam niyan…hahaha ,,di mo ba alam problemado Director niyan sa kanyang teleserye, ang hina at bano sa akting,,,ilang take muna bago ma perpect ,,yahaha,, yan ba ang talented…producto lang yan ng media hype ng abs cbn,,singaw lang lang,,hindi magtatagal yan,,walang talents, bubblegum star lang yan..

      • Naku nagsalita naman ang nagmamarunong na kapuchu.  lahat kayong kapuchu ampalaya na nga nag mamarunong pa. eh nasan naman yang jake mo na yan ayun wala mang teleserye. bigla na lang naglaho. da who kasi ang sinusuportahan nyo. dali namimigay ng delata dyan sa kamuning para suportahan ang mga kapuchu stars nyo. kalokah ka teh!

      • naku day! noong unang panahon pa tlga uso ang buhok boba!!! ahhahhahah!!!!wish ko sau sana tubuan kn ng utak kc para kng langaw walang utak!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.