Daniel Padilla, kering makipagsabayan kahit kanino

MUKHANG ASTIG si Daniel Padilla. Sa itsura pa lang niya, may angas na. What more siguro kapag narinig mo na siya magsalita.

Peg niya ang tiyuhing si Robin Padilla. Pansinin mo ang tikas niya at galaw at Binoe na Binoe, kaya naman ang mga lalaking kasing-edad niya ay nayayabangan sa kanya.

Oo nga’t guwaping at kung hindi nga ba naman pogi si Daniel, ewan ko kung magugusthan siya ng ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.

Kaya nga click silang dalawa sa Princess and I at sa bagong romance-serye nila sa Kapamilya Network ang Got To Belive na magbabalik ng tambalan nila sa telebisyon.

Hindi man hayagang inaamin ng dalawa na sila na nga, basang-basa mo naman sa kanilang mga ikinikilos na may “love” na namamagitan sa kanilang dalawa.

Kung walang “something” between Daniel and Kathryn, magbibitaw ba ng salita ang binata na mapaghamon sa ibang mga lalaki na gustong dumiskarte kay Kathryn?

Promo man o true, dare ni Daniel sa may mga magtatangka kay Kathryn na ligawan ang dalaga na siguraduhin lang ng mga ito na, “Kung hindi nila ako mahigitan, mapantayan man lang nila,” kuwento ng isang nakarinig.

Si Daniel, kering makipagsabayan kahit kanino. P’wes, game!

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

12 thoughts on “Daniel Padilla, kering makipagsabayan kahit kanino

  1. nyahahahah sa Camera lang, Astig yan,,,nyahahahha,,,off cam…hindi ganyan yan,,malamya,,parang bading,,,scripted bawat kilos niyan,,,pag On Cam na,,,nyahahahha,,,,hindi si Binoe ang favorite niya,,kundi si BB,,,,

  2. pansin ko lang ano, sobrang mabenta talaga si daniel padilla dito sa pp. tuwing magpapalit sila ng article laging may bago tungkol sa kanya. baka magtampo na sa inyo nyan ang mga kapuso, hindi man lang kayo nagsusulat tungkol sa kanilang mga teenstars. ano ba ang dahilan? hindi sila sikat o boring lang ang kanilang mga life?

    • Na meet ko at nakilala si RK sa Cine Malatya. Nakausa ko siya. ang problem sa GMA 7, hindi sila nagre-reach out sa mga magagaling na writers na wala sa ayola nila. ewan ko kung sisikat ang mga artista nila.
      Baka nga starlet status. May nabasa ko itong si John Fontanilla, uro nameless ng GMNA 7 ang inagsusulat.

      • nyahahahaha sana ma meet mo rin si Alfie, ang matandang ermitanyo ng abs cbn,nyahahah maraming alam yun tungkol sa abs cbn,,,sumasahod yun sa abs cbn,,,regular,,,,yang si RK,,,per sobre lang yan,,,nyahahahha

    • Lagi naman may “mas” parate, pero sa tingin ko nagiisa lang si Daniel P., ung complete package nya from looks, personality to appeal – extraordinary.

    • Marami tlgang gwapo pero ang tanong…me appeal b nmn ng gaya ng appeal ni Daniel P.? Lakas ng appeal ni Daniel at karisma s tao mpbata o mpmatanda eh bighani s knya un ang wala sa ibang gwapo kya sorry s ibang ngkocomment n mas maraming mas gwapo kaysa k Daniel kung d rin nmn mapapantayan ang karisma nya!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.