Daniel Padilla & Kathryn Bernardo: Growing Up, Falling in Love!

KATHRYN BERNARDO

Real Name: Kathryn Chandria M. Bernardo

Birth Date: March 26, 1996

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

 

DANIEL PADILLA

Real Name: Daniel John Ford Padilla

Birthdate: April 26, 1995

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Lucky Day: Friday

 

ALAM N’YO ba kung bakit patok na patok ang mga teen-oriented shows noon pa man? Dito kasi tinatalakay ang ilan sa mga isyu ng kabataan habang sila’y nakikipagsapalaran sa buhay lalo na pagda-ting sa pag-ibig. Hindi ba’t super sikat noon ang mga tambalang Rico-Juday, Marvin-Jolina at Bobby-Angelu mula sa Gimik at TGIS?

Ilang buwan nang namaalam sa ere ang Sunday teen-oriented show na Growing Up, kung saan unang nasilayan ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Patok na sana ang kiligan sa pagitan nina Albie Casiño at Kathryn Bernardo dahil sa Mara Clara, pero alam naman natin kung ano ang naging hudyat ng tuluyang pagkalas ng binata sa kanilang samahan. Siyempre, required sa mga teen stars natin ang loveteam lalo na kung ginu-groom sila ng network. Dahil dito, ang pamangkin ni Binoe na si Daniel Padilla ang nakasama ni Kathryn sa Growing Up.

Gabi-gabing inaabangan ng mga teleserye addicts ang Princess and I. Nakakaloka lang dahil ang bata pa ni Kathryn, pero pinag-aagawan na siya ng mga poging stars, huh? Pero wait… how true kaya ang tsika na among her male co-stars, tanging si Daniel talaga ang tunay niyang iniirog? Matulu-ngan kaya tayo ng stars dito? ‘Eto na po!

Palaging nagmamadali ang Aries, samantalang swabe lang kung dumiskarte sa buhay ang Taurus. Madaling mahulog ang isang Aries, habang ang Taurus naman ay mind over heart ang peg sa pag-ibig. Maaaring magkaroon ng pagtatalo sa aspetong ito ng kanilang personalidad, ngunit maaari rin itong maging hudyat para makagawa sila ng unique love story!

Kung maibalanse nila ang kanilang differences, maaari pa nilang tulungan na punan ang kakulangan ng isa’t isa lalo na’t nasa ‘growing up’ stage sila. Ang pagiging impulsive ng Aries ay maaaring makatulong na ipa-relax ang napakaseryosong Toro. Maaari namang matulungan ng Taurus ang Aries na mag-set ng long term goals para naman hindi ito basta-basta gumogora sa kung anu-anong anik-anik sa life, huh!

Homebody ang lalaking Taurus, habang gala naman ng gala ang Aries na parang hindi mapakali. Maaari rin silang mag-away dahil sa pera. Hindi basta-basta gumagastos ang Taurus sa walang katuturang bagay, samantalang may gastadora side talaga ang Aries. Basta matutunan ng Taurus na ‘wag masyadong maging seryoso sa buhay at mapag-aralan din ng Aries na mag-seryoso nang kahit konti, maaaring tumagal ang relasyong ito. Wait… Malabo ba ang aming paliwanag? Tanong n’yo na lang sa korte, LOL.

Daniel and Kathryn… teens in love! Still young but full of love. Haizt. Sana nga maging successful tandem itey!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

13 thoughts on “Daniel Padilla & Kathryn Bernardo: Growing Up, Falling in Love!

  1. wow!!!!! kakilig aman ng love team nyo punta aman kau d2 sa langkiwa biñan laguna please!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  2. Pingback: Daniel Padilla & Kathryn Bernardo: Growing Up, Falling in Love! | Celebrity Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published.