Daniel Padilla, itinira ang mga barkada sa bagong inuupahang bahay!

BLIND ITEM: “Ang bobo naman ng tang -nang ‘to!”

‘Yan ang eksaktong sinabi ng isang batang character actress nu’ng nabuwisit sa gitgitan nila sa drive-thru ng isang fastfood ng hulaan n’yo kung sino? Hahahaha! Ng misis ko!

Nu’ng April 17 ‘to nangyari. Ibinaba ng aktres ang window nito kung saan siya pala ang nagmamaneho para itiklop ang kanyang salamin para hindi sila magkagitgitan ng misis ko, “Pero narinig ko talaga siya, sinabi niya ‘yon.

“Buti kamo, wala ako sa mood magtaray that time, kaya hinayaan ko na lang siya. Actually, mas natawa ako sa kanya, dahil hindi ko akalain na masasabi niya ‘yong mga gano’ng words!”

Sabi naman namin sa misis ko, “Gano’n talaga ‘yon. Kung hindi mo kabisado ugali no’n, mapipikon ka.”

“Buti na lang, magaling siyang umarte, kundi, tinarayan ko rin siya!”

Hahahaha! Ang importante, hindi na nagkaroon pa ng kapatid na asunto ang nangyari.

 

KALILIPAT LANG ni Daniel Padilla sa bago niyang house from their masikip nang condo, dahil nga sa dami nila. Ngayon, maluwag na maluwag na ang kanilang tinitirhan ngayon, pero ito’y upa lang.

Gusto sanang bilhin ni Daniel, kaso nga, ‘yung may-ari, ayaw itong ibenta at gusto lang ay paupahan. Mura naman ang upa at malaki pa, kaya ang ginawa ni Daniel, pina-interior design niya ito sa aming kumareng si Tita Tess Medina (na siya ring gumawa ng condo unit ni Kris Aquino at bahay ni Erik Santos at ni Sam Milby).

Nakakatuwa, dahil ang ninang ni Daniel na si Tates Gana naman ang nagregalo ng landscape kay Daniel. Habang si Karla naman ay tense na tense sa mga “future gastos”. Hahahaha!

Pero alam n’yo bang napakabait palang kaibigan nitong si Daniel? Kasi nga, ‘yung mga barkada niya ay halos sa bahay na nila nakatira at okay ito kay Karla, dahil noon pang hindi artista si Daniel ay close na ito sa kanilang pamilya.

Ito ‘yung nakita naming nasa dugo ng mga Padilla. ‘Yung tumutulong sa kapwa na hindi na kaila-ngang ipamarali pa. Tulad ni Robin Padilla na ang daming natutulungan, pero ayaw ng publicity o ng anumang pagpupuri.

Pero umaasa pa rin si Daniel na magbabago ang isip ng may-ari at sana’y ibenta na sa kanila ang house. Juice ko, sa dami naman ng raket ni Daniel, ‘no! Keri na siyang bumili ng house and lot sa isang subdivision.

“Si Karla lang talaga ang hindi matapang ang loob sa mga utang-utang!” sey pa  ng  aming source.

 

SINA SER Chief at Dingdong Dantes ay parehong sumusuporta sa kandidatura ni Sen. Ramon Magsaysay, Jr. ngayon. Si Richard Yap ay super tweet sa kanyang mga followers na suportahan ng kanyang mga tagahanga si Sen. Magsaysay, “Dahil buo ang integridad at talagang matulungin sa kapwa!”

Si Dingdong naman nu’ng makausap namin ay, “1995 nu’ng tumakbo si Sen, tumutulong na kami sa kanya ng tita ko. ‘Yung tita ko ang family friend nila. And ako mismo, I believe in him!” sey pa ni Dingdong.

Hindi ba siya ta-takbo sa anumang posisyon? “Sa nga-yon, hindi pa. Pero ayokong magsalita nang tapos. Bahala na. Tingnan natin. Basta ngayon, tinutulungan ko munang makapuwesto ang totoong may karapatan sa Senado!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

6 thoughts on “Daniel Padilla, itinira ang mga barkada sa bagong inuupahang bahay!

    • Character actress, kontrabida raw. Si Christine, mostly bida sa teleserye at pelikula. Hula ko, si Alexandra De Rossi. (Not sure if I spelled her name right}.

  1. HAHAHAHA. JOLOGS AT BUTANGERA NAMAN TLG YANG SI ALESSANDRA. PERO TEKA, OGIE, BATA PA BA SYA? WELL, MAS BATA SA YO, OO. LOL

Leave a Reply

Your email address will not be published.