Daniel Padilla, inspirasyon si Kathryn Bernardo

MARAMI ANG kinikilig sa tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. May following ang loveteam nila na gabi-gabing tinatangkilik ng mga manonood sa teleseryeng Princess and I.

Hindi naman Ikinakaila ng dalawa na lalong gumaganda ang kanilang relasyon. Marami tuloy ang nagtatanong kung ang reel loveteam nila ay mauwi in real life. Hindi ba’t inamin noon ni Daniel na iba si Kathryn sa mga babaeng nakilala niya? “Siguro na kay Kathryn iyong mga tipo ng babae na gusto ko. At saka siya iyong nagpapasaya talaga sa akin. Maghihintay ako kahit maputi na ang buhok ko at kung umabot man ako sa langit.”

May kilala nga akong fan na pangarap talagang magkatuluyan sina Kathryn at Daniel sa totoong buhay. Sino ba naman ang hindi ganito ang gustong mangyari para sa sinusuportahang loveteam? Ritwal na sa kanya ang panoorin gabi-gabi ang Princess and I at sundan ang away-bating relasyon nina Mikai at Gino. Pero sabi niya ay bata pa ang kanyang mga idolo at bukas ang kanyang isipan na marami pang puwedeng mangyari sa hinaharap.

Oo nga naman. Bata pa sina Kathryn at Daniel and they have all the time in this world. So relax lang sila and enjoy life. Payo nga ni Karla Estrada, mommy ni Daniel, sa kanyang anak ay huwag munang magmadali pagdating sa pag-ibig. Karla said in her interview on KrisTV, “Lagi kong sinasabi kay Daniel na, ‘Siguro anak ang pagseseryoso, nasa mga 30s or late 20s talaga.’ Na-experience mo, eh. Paano ka matututo kung hindi mo napagdaanan?”

Boto naman si Karla kay Kathryn para sa anak. “Mabait na bata [si Kathryn]. Ang importante kasi si, Daniel ay masayang nagtatrabaho dahil alam niya paggising niya ay nakakatrabaho niya [si Kathryn]. So malaking bagay iyon na inspiration niya talaga iyong tao.”

Karla is all praises of her son because he grew up to be a responsible person. Sa katunayan nga ay hindi raw magpa-party si Daniel when he turns 18 this year. Priority kasi niya ang kanilang bahay na ipinapatayo niya. Despite his showbiz commitments, he takes time to be with his family.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy

by Boy Abunda

loading...

One thought on “Daniel Padilla, inspirasyon si Kathryn Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published.