Daniel Padilla, iniingatan na ‘wag masira ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo

Daniel Padilla, iniingatan na 'wag masira ang tambalan nila ni Kathryn BernardoNangunguna pa rin naman talagang love team sa showbiz ang kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Bukod sa mayroon na silang sunud-sunod na pelikulang napatunayan na kumita sa takilya kumpara sa ibang tambalan, ganun din sa mga teleseryeng kanilang pinagbidahan na puro nagtagal sa ere. Mukha lang may angas si Daniel, pero hindi siya nagyayabang para iparamdam na walang binatbat sa KathNiel ang ibang sikat na tambalan sa showbiz.

Consistent si Daniel Padilla na kung ano ang direksiyon na gusto niya para sa love team nila ni Kathryn, nariyan lang ‘yon. Hindi makukuwestiyon ang kanyang pagpapahalaga sa kanilang tambalan. Iningatan ni Daniel na huwag siyang ma-link sa ibang babae na hindi magugustuhan ng kanilang mga fans. Pinanindigan din ng guwapong young actor, na kung ano ang intensiyon niya noon kay Kathryn Bernardo, iyon pa rin ang laman ng kanyang puso hanggang ngayon.

Consistent din ang ugali ni Daniel, na bilang nanguna bago naglabasan ang ibang tambalan ay wala siyang inilalaglag para lang maiangat ang KathNiel. Magaganda ang sinasabi niya nung nagsisimula nang sumikat ang AlDub, dahil nakasama raw ng kanyang mommy na si Karla Estrada sa pelikula si Alden Richards. Ikinukumpara man ang KathNiel sa tambalan nina James Reid at Nadine Lustre at Liza Soberano at Enrique Gil, napakabait pa rin ni Daniel na ang tingin niya riya ay mga Kapamilya pa rin, dahil pare-pareho silang mga alaga ng Star Magic ng ABS-CBN.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleVilma Santos, maayos na naalagaan at napakisamahan ang mga fans kaya patuloy na nagsusuportahan
Next articleAllen Dizon, back-to-back best actor sa Silk Road Film Festival; 4 na ang international best actor award

No posts to display