Daniel Padilla, escort ni Kathryn Bernardo sa debut

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaKATHRYN BERNARDO will turn 18 years old on March 26 at ngayon pa lang ay marami na ang excited sa kanyang debut. Parang kailan lang when Kathryn first appeared as a child star on It Might Be You pero ngayon, she has blossomed into a fine young lady. She is the other half of the famous Kathniel loveteam that has legion of fans that faithfully follow their teleseryes and movies.

Sa kanyang guesting sa Buzz ng Bayan (with Daniel Padilla) ay inamin ni Kathryn that she can’t already wait for her upcoming birthday bash. “Nae-excite na ako. Nag-start na ako ngayon na kabahan,” kuwento niya.

She makes sure na hands-on daw siya sa ginagawang preparations para sa kanyang debut. “Hands-on kasi ayoko sa kanila ipa-handle lahat. ‘Pag may time ako as in from the invitation, sa gown… Gusto ko medyo alam ko ang nangyayari.”

What can the public expect from her birthday celebration? She shared some of the details. “Ayoko kasi ng medyo mahabang program eh, so may 18 roses of course and then 18 candles. Parang iyong 18 candles mixed na iyong treasures doon.”

Carmina (Villaroel) and I asked Daniel kung siya ba ang magiging escort ni Kathryn. He confidently answered, “Siyempre naman po!” Was he asked? “Kinukuha ko na. Hindi, in-assume ko na na ako,” Daniel said in jest.

Kathryn added, “‘Di naman na po yata kailangan pang tanungin pa iyon. Parang automatic na, parang given na na si DJ iyon.”

Yaman din lang na kasama rin si Mina sa Got to Believe bilang ina ng karakter ni Daniel ay tinanong ko siya kung ano ba ang kanyang nakikita sa dalawang teen stars na lingid sa kaalaman at paningin ng publiko. Mina was having a hard time answering at tawa lang siya ng tawa. In the end, she replied, “Basta they’re very comfortable with each other. They’re very sweet.”

I asked Daniel and Kathryn kung sila na ba and they could answer it by a simple yes or no pero hindi sila nakapagsalita. There are speculations that they are already a couple pero hanggang ngayon ay tikom pa rin ang kanilang mga bibig kung ano ang real score sa kanilang dalawa. They still claim that they are still in the MU stage.

Ngayong tapos na ang Got to Believe ay muling mapapanood ang Kathniel sa big screen with She’s Dating the Gangster, the film adaptation of the best-selling pop fiction book written by Bianca Bernardino.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Daniel Padilla, escort ni Kathryn Bernardo sa debut

Leave a Reply

Your email address will not be published.