Daniel Padilla, diretsahang sinabi na MU na sila ni Kathryn Bernardo!

DIRETSO AT walang paliguy-ligoy magsasagot si Daniel Padilla sa mga tanong ng press sa launching ng first movie team-up nila ni Kathryn Bernardo na Must Be… Love na idinirek ni Dado Lumibao under Star Cinema.

Ask kung paano niya mabubura ang image ng Padilla na mga babaero raw. At hindi rin kaya siya maging chicboy pagdating ng araw?

“Nagbago na po ang Padilla,” bungad ni Daniel na nominadong Best New Male Actor sa PMPC Star Awards for Movies sa March 10, AFP Theater.

Siya raw ang magiging halimbawa na hindi totoo na mga babaero ang angkan ng mga Padilla.

“Masarap magmahal pero masakit masaktan. Kami po ni Kathryn ay nagkakaintindihan na pero malayo pa po dumating na maging kami. Mahal ko si Kathryn pero alam ko rin po na mga bata pa kami para seryosohin ang niloloob namin.

“Masasabi ko M.U kami ngayon. Marami pa kaming pangarap sa buhay. Ini-enjoy po namin ang pagiging magka-loveteam,” say pa ni Daniel.

Samantalang hindi naitago ni Kathryn ang kaba at pressure sa first team-up movie nila ni Daniel Padilla.

“Hindi po maiaalis na magamba at ma-pressure ako sa movie namin. Kasi iba po kasi ‘yung soap sa TV na hindi na kayo kailangan magbayad, not like kapag movie na ay kailangan magbayad ka para panoorin.

“Kaya nga po lahat ay ginawa namin para masiyahan ang mga manonood. Kapag labas mo sa sinehan ay may natutunan ka at masaya ang pakiramdam mo,” katuwiran ni Kathryn.

 

HINDI AKALAIN ni Gladys Reyes na aabot ng six years ang kanyang lifestyle/celebrity talk show na Moments sa Net 25. Nagpapasalamat siya sa istasyon dahil ipinagkatiwala sa kanya ang isang talk show considering na mas kilala siyang kontrabida sa pelikula at mga TV series.

Huwag isnabin ang kanyang show dahil sa bagong segment ay paglalakbay sa iba’t ibang lugar, tulad nitong huli ay sa Hongkong Disneyland nag-tape sila ng show.

Hindi lang pagho-host ang ginagawa ni Gladys sa kanyang show, siya rin ang nag-e-effort mag-imbita ng magiging guest sa show na napanood every Saturday at 7:00 pm.

Samantalang happy at wala raw katotohanan na may tampuhan sila ng kanyang husband. Masaya at kuntento silang mag-anak.

 

TALK OF the town ngayon ang ginawang sexy production number ni Anne Curtis sa ASAP, kung saan nakasuot siya ng high-slit gown while performing Diamonds by Rihanna with matching rain/shower on stage at nabasa-basa siya talaga.

Nakuwestiyon ng mga nakapanood ang sobrang taas ng slit niya na kapag gumalaw ay medyo kita na yata ‘yung kalahati ng kanyang langit.

Dahil na rin sa sobrang revealing outfit ni Anne, hindi rin ito nakaligtas sa pansin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at kamakalawa nga ay nagpadala ng summon sa ABS-CBN for gender-sensitivity investigation.

Sabi ni Anne, nirerespeto niya ang negative at positive comments na mga tao sa controversial gown at production number niya.

“Natatawa na lang, but I guess people talking about it makes it a good thing. Okey lang sa akin ‘yun. Negative or positive comment, they’re always welcome. You just learn the art of dedma and you accept what other people have to say,” say ni Anne.

Sabi pa ni Anne sa interview sa kanya ng ABS-CBN News, ang gown na suot niya na gawa ni Boom Sasson ay talaga raw ginawa para mag-create ng illusion to the viewers na ayon na rin sa nangyari ay nagtagumpay naman daw sila.

“The whole point of that dress was the illusion—na super high slit, but I was wearing a tanga swimsuit which Boom Sasson is known for,” say pa ni Anne.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

7 thoughts on “Daniel Padilla, diretsahang sinabi na MU na sila ni Kathryn Bernardo!

  1. NAKITA KO YUNG BABAENG NAGNAKAW NG HALIK KAY DANIEL, CHAKA NAMAN NUNG GIRL HAHA! PERO SWERTE HUH NAKAISA KAY DANIEL…

    • HINDI NAMAN KAYA YUNG HITAD ANG NAHIMATAY DAHIL MAS CHISMAX NA BAD BREATH DAW SI KOYAH DAHIL KABATA-BATA EH CHAIN SMOKER? LOL

      • chizmax na gawa gawa lang ni ogie diaz.. hindi totoo na nagyoyosi si daniel. laging may nakasunod sa kanila na mga fans saan man magpunta pero wala ni isa man na nagsabi na nagyoyosi sya.. isa pa pala, may asthma sya. 

        • oww totoo, amuyin mo nga bunganga niya, yosi boy yan, tanong mo sa mga guard ng car park ng abs cbn, 

    • pwee..gimik lang yang Daniel-katryn, pinupuhunan na nila yan, dahil laos na ang john lloyd-bea love team, pamalit ng abs cbn,