Daniel Padilla, ‘di pipilitin si Kathryn Bernardo

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaDaniel-Padilla-Kathryn-BernardoSA FAREWELL presscon ng seryeng Got To Believe, siniguro ni Daniel Padilla na kahit magde-debut na si Kathryn Bernardo sa darating na March 26, kung saan siya ang magiging escort ng aktres sa espesyal na araw na ito, hindi niya mamadaliin si Kathryn na maging opisyal na sila na.

Ayon nga sa aktor, wala munang sagot-sagot para hindi ma-pressure ang kapareha. Para kay Daniel ay gusto niya munang i-explore ni Kathryn ang sarili nito, ang mga gusto nitong gawin dahil ‘pag naging opisyal na naging sila na kasi, marami na silang puwedeng ipagbawal.

Sa ngayon ay nasa “mutual understanding”, pa lang ang estado ng relasyon ng dalawa, Ang ikinaganda kina Daniel at Kathryn, wala mang pormal na relasyon pa ay nakikita na kung gaano sila ka-loyal sa isa’t isa.

Wala pang regalong naiisip na ibigay kay Kathryn para sa debut nito dahil halos walang pahinga sa taping ng Got To Believe. Dalawang linggo na lang kasi ay finale na ng pinagbibidahang serye. Pero pagkatapos ng Got To Believe ay pag-iisipan naman niyang mabuti kung ano ang puwedeng iregalo sa aktres.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman sa nalalapit na pagtatapos ng Got To Believe, masaya si Daniel dahil sinuportahan talaga ng publiko ang kanilang serye kung ang pagbabasehan ay ang consistent high ratings nito. Pero nalulungkot din siya dahil malapit na itong matapos at naging pamilya na rin sila sa set.

Sa kabila ng isa sa pinakamainit na young actor sa kasalukuyan, hindi nagpapadala sa pressure si Daniel sa mga dapat niyang ikilos at sabihin sa harap ng publiko, masaya ang batang aktor na tinanggap at minahal siya ng publiko kung ano at sino siya. Hiningan din ng reaksyon sa pang-aaway ng mga KathNiel fans sa ibang loveteams o sa sinuman na hindi gusto ang tambalan nila, para sa aktor ay hindi maiiwasan ito pero hangga’t maaari sana ay huwag nang umabot sa ganito. Nakaranas din naman kung paano i-bash ng ibang tao, bukas ang isipan ni Daniel na ‘pag may bashers ang isang artista, nangangahulugan lang ito na may impact ka sa publiko.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.