Daniel Padilla, ‘di papayag na maligawan ng iba si Kathryn Bernardo!

SENSATIONAL TEEN idol na ngayon si Daniel Padilla. Over the top ang kanyang showbiz career. Katunayan nga, kabila’t kanan ang product endorsement. Ang latest, for sixty years, ang mag-inang Daniel at Karla Estrada ang first ever na napili ng Lily’s Peanut Butter para maging endorser ng kanilang produkto.

Binuking ni Karla si Daniel. Sa lahat ng mga anak niya, ang teen idol lang ang hindi malambing. Pero ipinapakita raw nito ang pagmamahal sa kanya sa ibang pamamaraan.

“Hindi ibig sabihin ay hindi ko siya mahal, awkward lang talaga. Hindi ako Mama’s Boy. Sa akin, walang Mama’s Boy or Papa’s Boy. Nanay mo ‘yan, Tatay mo ‘yan, bakit hindi mo mamahalin? Minsan nagtatampo sa akin si Mama dahil dadaan lang ako, hindi ako nagpapaalam sa kanya,” say ng binata.

Palibhasa, sikat na nga si Daniel, marami ang nagsasabi na siya ngayon ang nagtatayo ng bandila ng mga Padilla.

“Hindi ko pa kaya, si Tito Robin pa rin. Sila pa rin ‘yun. ‘Yan ang totoo, wala pa akong karapatan para sabihin na ako ang nagdadala ngayon ng bandila ng mga Padilla dahil wala pa naman akong nagagawa,” pangangatuwiran nito.

Hindi na talaga mapigil ang kasikatan ni Daniel kaya’t inuulan siya ng intriga. Pati nga paglabas niya sa show binibigyan ng masamang kahulugan. Maging si Karla ay naiintriga na rin dahil sa kasikatan ng anak.

“Oo nga, ewan ko, mukha raw akong lasing, napagkamalan ako. Hindi ako lasinggero, ice tea lang ang iniinom ko. Mga banda, ginagawa ‘yun. Sabi nga ni Mama, nakainom daw ako. Sana nga nakainom na lang ako, para totoo na ‘yung sinabi niya. Hindi naman ako nerbiyoso bakit ako iinom. Hindi naman makatutulong ‘yun.

“Hindi ko pinapansin ‘yung intriga. Kung marunong kang i-handle, kung papaano mo i-handle, hindi mo na lang ito papansinin. Kung hindi mo na lang pinansin, okay lang. Walang puwedeng humusga sa akin kung hindi magulang ko lang. Hindi naman natin mapi-please ang lahat, ‘di ba? Hindi naman lahat ng tao gusto ako. Pero okay lang, kung ayaw mo sa akin, bahala sila,” paliwanag ni Teen Idol.

Pati nga hair style ni Daniel ikinukumpara sa buhok ni Charice. “’Yan ang gusto kong linawin. Bakit ba natin ginagawang big deal ito, ‘di ba? Sa buhok, napakaliit na bagay, huwag nating palakihin dahil hindi naman kailangan. Hindi lang naman ako ang may ganitong buhok, ang daming gumagaya. Bigyan natin si Charice ng chance sa gusto niyang hair style at saka si Charice na ‘yun. Huwag akong ikumpara, ang taas na ni Charice, ‘di ba? Mali, hindi puwedeng ganu’n, respetuhin natin si Charice dahil bandila rin ng Pilipino ‘yun. At saka, itong style ang bagay sa akin. Hindi naman ako puwedeng magpakalbo,” banat pa ng binata.

Alam ni Daniel ‘yung pagiging astig niya kaya nagiging antipatiko siya sa paningin ng ibang tao. “Masasabi kong ganito talaga ako, walang labis, walang kulang. Hindi kasi ako nagpapanggap. Naiingit lang ang mga ‘yan dahil hindi nila kayang gawin, normal lang. Saan ba nanggagaling ang lahat na ‘yan, inggit lang, ‘di ba? Kaya kung may mga ganyan, natutuwa ako dahil naiinggit sila sa akin. Hayan na lang, palagi kong sinasabi, hayaan mo na ‘yun. May nagagawa ako, hindi nagagawa ng ibang tao,” turan nito.

Nararamdaman na ni Daniel ‘yung success na tinatamasa niya sa ngayon pero hindi niya ito pinapasok sa kanyang isipan. “Hindi po natin pinapansin ‘yan. Kung papansin natin sa ibang bagay. ‘Yung pagpapagawa ng sariling bahay, tulong ko, kumbaga. Naumpisahan na, kapag tapos na, bisitahin na lang natin. Matagal pa, umuupa lang kami ngayon habang ginagawa ang bahay. Baka next year, tapos na, five or six bedrooms. Balak ko nga bumili uli ng kotse.”

Inamin ni Daniel na sobra pala siyang conservative pagdating sa babaeng mahal niya. Sa ngayon, puwede na raw siyang makipagrelasyon, “ Puwede na, nasa akin ang desisyon, nasa tamang edad na naman ako. Pero hindi pa oras, kapag maayos na ang lahat. Stable financially, career sa lahat. Medyo naglie-low na ang career, mahirap naman araw-araw may taping ka.”

Makahulugan ang binitawang salita ni Daniel nang tanungin namin siya tungkol sa relationship nila ni Katrhyn? “Huwag na nating sagutin ‘yan dahil alam na ninyo,” birong totoong sagot ng actor. “Hindi pa, kasi dahil bawal pa,” dugtong pa nito.

Papaano kung may mangligaw kay Kathryn? “Respeto na lang sa akin ‘yun, ‘di ba? Hindi niya gagawin ‘yun dahil respeto niya sa akin. Sa tagal nang issue sa amin, tapos may manliligaw na iba?” Mabilis na buwelta ni Daniel. ‘Yun na!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

7 thoughts on “Daniel Padilla, ‘di papayag na maligawan ng iba si Kathryn Bernardo!

  1. Sinabi na rin nuon ni Rustom yan kay carmina na di “Papayag si Rustom na madiskartehan ng iba si Carmina”….. Dahil kasi parehas pala sila ng Pakpak. Baka si Daniel eh may kakaiba ring Pakpak……. Pakpak Y kapa.

    • he he para bang bubblegum music, one hit wonder lang, after, laos na, he he ganoon ba ang ibig mong sabihin kay Daniel, he he o manufactured idol lang siya ng isang Network, 

  2. nyahahahahha totoo ba yan?. o baka swobiz style lang yan. nyahahaha may balita, iba daw ang ang type ni DJ. hindi Peanut butter ( Mani )…kundi tender juicy ( hotdog ),,,nyahahahaha..ay ano ba yang nasabi ko..ay..sorry po

Leave a Reply

Your email address will not be published.