Daniel Padilla, desididong ligawan si Kathryn Bernardo!

SA PRESSCON ng bagong teleserye ng Dos, halos lahat ay nakapansin sa laki ng pagkakapareho ng mga kilos at pananalita ni Daniel Padilla sa tiyuhing si Robin Padilla. ‘Pag tinakpan mo ang iyong mata ay iisipin mong si Robin ang kausap mo dahil halos pareho ang timbre ng boses at mga expressions.

Tinanong namin si Daniel kung sa palagay ba niya ay advantage o disadvantage sa parte niya na nakikita sa kanya ang katauhan ng kanyang Tito Robin. Ayon sa young actor, ‘di niya nakikita bilang disadvantage na makumpara siya sa kanyang tiyuhin, dahil nakalikha naman ng magandang pangalan sa industriya si Binoe. Pero tulad ng sinabi ni Tito Boy Abunda sa The Buzz nu’ng Linggo, sang-ayon kami na ilang taon pa mula ngayon ay isa sa magiging malaking artista sa showbizness si Daniel, basta patuloy itong mabigyan ng matitino at magagandang proyekto at mag-i-improve pa sa kanyang acting.

Consitent naman sa pagsasabi ng espes-yal na nararamdaman niya para sa kaparehang si Kathryn Bernardo, pero itutuloy na lang niya ang panliligaw pagkatapos ng kanilang teleserye. “Itaga mo sa bato” ang isinagot sa amin ni Daniel nang tanungin namin kung itutuloy-tuloy ba niya talaga ang panliligaw sa young actress. Si Cristine Reyes ang crush sa mga aktres na mas may edad kaysa sa kanya, pero sa mga ka-edaran niya ay wala siyang ibang crush kundi si Kathryn lang.

Tinanong din namin kay Daniel kung ‘di ba siya na-shocked nang ma-meet niya ang tiyuhing si Rustom Padilla aka BB Gandanghari,  ayon sa young actor ay ‘di naman siya nagulat o nabigla lalo’t bata pa siya nang ma-meet niya si BB nang si Rustom pa ito.

Positibo din na magkakaayos ang mga tiyuhin sa samaan ng loob nito sa ngayon. Tita BB ang tawag sa tiyuhin at masaya sa pagbabalik-bansa nito. Kinakitaan namin ng lawak ng isip si Daniel sa sitwasyon ni BB, kung saan kahit si Daniel ang magkaroon ng ka-patid na kabilang sa third sex ay matatanggap niya at mamahalin.

 

REYNANG-REYNA ANG dating ni Gretchen Barretto nang dumating ito sa nasabi ring presscon, kung saan gumaganap siyang reyna at makakahati ni Albert  Martinez bilang hari sa kaharian sa Bhutan. Aminado na noong una ay naisip niya na pakonswelo de bobo ang role na binigay sa kanya at hanggang sa nabasa na ‘yung script ay naisip pang mag-back out, pero habang syinu-shoot na nila ang nasabing serye sa Bhutan, nakakatrabaho ang buong casts at production at nakikita ang takbo ng istorya, napatunayan ni Gretchen na ‘di siya nagkamali sa desisyon na tanggapin ang nasabing role.

May bulung-bulungan na nasa maselan daw na kalagayan ang anak na si Dominique at hindi pa man diretsang natatanong ito sa kontrobersyal na aktres ay sumagot na agad ito na alam na niya ang nasabing issue at ayaw niyang pag-usapan o sagutin ang tungkol dito.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

25 thoughts on “Daniel Padilla, desididong ligawan si Kathryn Bernardo!

  1. mas bagay talaga cla Daniel at Kathryn,,kc magka level ang age nla. unlike ky christie reyes,eh talagang may edad yon kesa sa kanya. pero sana lang magka roon na sya ng magagandang palabas,sana yong sila prin ang bida..tsaka gusto ko po clang ma meet ng personal..

  2. i like their love teams, gustong gusto ko c kath at c daniel.. sana kau ang mgkatuluyan sa princess and I..galingan niuh pa..

  3. gO ! dJ kayA mU yan .. !!! at HiNIHILing cO NAh zaNa zgutIn cAh ni Ate kaTH .. !!!

    i ♥ KAthnIeL fOrevER !!! :)

  4. Go! lng ng Go! Daniel kaya mo yan! @ cutiepatootie XD tamah! po kayo khit pictures lng nakakakilig na!♥

  5. I really LOVE their TANDEM.. :”>  Effortless Magpakilig kahit Pictures lang nila na magkasama Nakakakilig na  :D hihihi :”> 

  6. Mas gusto ko nmn si daniel padilla kaysa kay enrique gil dahil matanda si enrique pra kay kathryn kathniel bernadilla for the win

  7. @ate magandaako – pakealam mo ba? opinyon ko yun at kung hindi ka maniniwala teh, tumahimik ka na lang. at bakit nyo ba kasi, bilang mga fan(s), na ipinagpipilitan ang dalawang bata na magkatuluyan eh kung talagang fan kayo dapat kilig kilig pa muna bago nyo piliing maging magjowa sila. at FYI ateng, wala akong pakialam kung tanggap ko o hindi ang dalawang yan, and so? isip naman teh, nagcomment lang ako oa ka na. para sa akin promo lang so that’s it! PROMO. maniwala ka man o hindi sa opinyon ko, wala na akong pakialam. magpakamatay ka sa kakatanggol sa mga batang idolo mo!

  8. @KRIZZY kung sa tingin mo PROMO lang ang LAHAT . What more kay ENRIQUE GIL , masyadong SHOBIZZ . ang daming interview , PROMO talaga . unlike kay Daniel napakatotoo , manood ka kaya ng interview din ni kath ng malaman mo reaction niya ! Hay nako hindi lang kasi matanggap ang katotohanan. 

  9. Cute and tandem nila pero hindi ko masyadong gusto si Daniel Padilla. Medyo parang si Binoe kung umarte. Malakas ang palipad hangin niya kay Kathryn to the point na parang hindi na truthful. Parang showbiz and dating.

  10. these tween stars are better than tween stars of GMA.. we’re fed up of the face of Barbie forteza,Bea benene,Jake Vargas, etc..

  11. promo promo na naman kasi may bagong show. mga die hard fans lang ang maniniwalang liligawan ni daniel si kathryn eh pag titignan sa mga interviews, parang wala lang si kathryn sa affection ni daniel. obvious na promo promo, gimmick para mapanood ang bagong show nila!

Leave a Reply

Your email address will not be published.