Daniel Padilla, dapat matuto kay Robin Padilla pagdating sa intriga

Daniel-PadillaNAPAKAHALAGA PARA kay Daniel Padilla ng kasikatan ng kanyang ine-enjoy ngayon, dahil pinaghirapan naman niya iyon. Kaya nasasaktan siya sa mga nangyayari ngayon na sunud-sunod na lang ang mga paninira na ibinabato sa kanya para siya ilaglag. Nakakaawa siyempre ang young actor, dahil wala naman siyang ginagawang pananapak sa kanyang kapwa para maranasan niya na traydorin siya ng kanyang kapwa.

Naalagaan lang nang maayos ang paglaki ni Daniel, at hindi lang makuwento ang pinakasikat na bagets actor ngayon, pero kung mailalabas lang niya sa kanyang mga salita kung papaano sila naghirap noon, magsisimpatiya ka. Dahil bata pa lang talaga siya, marunong na siyang magtiis ng kahirapan, dahil konti lang naman noon ang raket ng kanyang mommy Karla Estrada. Ngayon na lang nagpapasalamat at nakahihinga nang maluwag ang ka-loveteam ni Kathryn Bernardo, dahil nakawala na talaga ang kanilang pamilya sa dating hirap ng kanilang buhay.

Ang uncle ni Daniel na si Robin Padilla ang laging nagpapayo at nagpapaalaala sa young actor, na huwag na lang masyadong dibdibin ang mga intrigang ginagawa sa kanya, dahil lilipas din naman iyon. Kaya alam na siguro ni Daniel ngayon na sobra-sobrang panlalaglag din noon ang naranasan ni Binoe, pero dahil maraming nagmamahal sa kanya, hindi naman natalo ng mga intriga ang action superstar, bagkus ay nariyan pa rin hanggang ngayon ang kanyang kasikatan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

 

loading...

2 thoughts on “Daniel Padilla, dapat matuto kay Robin Padilla pagdating sa intriga

  1. hahahahha ‘ kapay’ bakit ganyan yang mga j3j3F4nt4rd hahahah bina Bash nila ng Todo si jasmine he he eh wala namang kasalanan yung tao,,,hahahaha ano bang problema ng mga j3j3f4nt4rd na yan, jejejeje

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.