Daniel Matsunaga, naniningil ng P50-K para mainterbyu ni Heart Evangelista?!

Daniel-Matsunaga-Heart-Evangelista NAKU! KEBER ng Startalk kung hindi matuloy ang guesting ni Daniel Matsunaga sa segment ni Heart Evangelista!

Naging isyu pa kasi itong pag-imbita kay Daniel na mag-guest sa Startalk para interbyuhin siya ni Heart.

Okay lang naman kay Heart, at exciting panoorin ang pagkikita nila pagkatapos nilang mag-break. Sabi naman ni Heart, friends pa rin sila ni Daniel at maayos naman daw ang break-up kaya wala namang problema.

Pero naloka kami na naningil daw ang handler ni Daniel ng 50 thousand pesos sa guesting na ‘yun.

Kaloka, ‘di ba?! Bakit naman magbabayad ang Startalk nang ganu’n kalaking halaga na hindi mo nga tiyak kung magri-rate ‘yun o interesting ang interbyuhan na ‘yun?

Kaya dedma na kami. Eh, nakarating pala ito kay Ricky Lo, tinalakan niya ang manager ni Daniel na si Jonas Gaffud.

Daniel-Matsunaga-Heart-EvangelistaSabi nga ni Ricky, noon pa man ay napaka-supportive niya sa mga talent ni Jonas pati itong kay Daniel, eh kung maningil din kaya siya ng 50 thousand kapag nilalabas niya sa column niya ang mga talents ni Jonas sa Mercator?

Emote si Jonas dahil hindi naman daw niya alam na naningil ng 50 thousand ang kinausap ng talent coordinator ng Startalk. Sa kanya naman daw walang problema ang talent fee basta available lang si Daniel. Eh, hindi yata okay sa schedule ng Brapanese model kaya hindi naman pala puwede ang guesting na ‘yun.

Ang narinig namin, hindi pa raw talaga kumportable si Daniel na ma-interview ni Heart kaya umiiwas pa ito.

Pero ang dinig ko naman, okay sina Heart at Daniel. Sa katunayan, nandito nga raw ngayon ang magulang ni Daniel at nakausap pa raw si Heart dahil gustung-gusto pa rin nila ang aktres. Kaya wala naman daw problema.

Anyway, hindi nga natuloy ang guesting ni Daniel sa Startalk, kaya ang isinalang nu’ng nakaraang Sabado, ‘yung Los Viajeros ng Eat Bulaga na mga Brazilian din ang karamihan sa kanila. Nagulat sila na ang galing-galing pang mag-Portuguese ni Heart dahil natutunan n’ya ‘yun kay Daniel.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Daniel Matsunaga, naniningil ng P50-K para mainterbyu ni Heart Evangelista?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.