Daniel Matsunaga & Jasmine Curtis-Smith: A Romantic-Comedy Tandem To Remember!

Daniel-Matsunaga-Jasmine-Curtis-SmithDANIEL MATSUNAGA
Real Name: Daniel Kenji Matsunaga
Birthdate: November 28, 1988
Zodiac Sign: Sagittarius
Symbol: The Archer

Ruling Planet: Jupiter

Quality: Mutable

Element: Fire

Basic Trait: I Perceive

Closest Metal: Tin

Lucky Day: Thursday
JASMINE CURTIS-SMITH
Real Name: Jasmine Casandra Ojales Curtis-Smith
Birthdate: April 6, 1994
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday
ISANG KUWELANG original movie made for TV ang handog ng TV5 sa mga Kapatid ngayong Pebrero. Just last week, ipinalabas ang romance-comedy The Replacement Bride, na pinagbibidahan ng Brapanese hunk na si Daniel Matsunaga at Fil-Australian teen idol na si Jasmine Curtis-Smith. First time nagsama ang dalawa sa isang proyekto, pero nag-uumapaw ang kanilang chemistry, huh! Sa katunayan nga, parang mas kinilig kami sa JasNiel keysa sa Daniel-Heart o David-Jasmine!
Based on tweets and reviews, bumenta sa televiewers ang tambalan ng dalawang Kapatid stars. Kung sakali kaya ay jumakpot din sila sa totoong buhay at maging real bride and groom?
In all honesty, compatible ang love match ng Sagittarius at Aries! Punung-puno ng excitement ang tambalang ito dahil pareho silang adventurous and full of life. Sakto ang timpla ng kanilang ugali at mai-inspire pa nila ang isa’t isa na mag-succeed sa buhay.
Ang maganda rito, open sila sa pagbibigay ng personal space. Alam nila na importante na mag-grow bilang individuals. Patas ang lahat sa relasyong ito. Walang mangongontrol, at walang magpapakontrol. Lagi lang silang nar’yan para damayan ang dyowabels. Kailangan lang nilang mag-ingat pagdating sa pera, dahil madalas na hindi nila ma-kontrol ang pag-shopping at paggastos sa mga bagay na hindi naman talaga importante. Isang bonggang love memoir na puno ng twist and turns ang verdict namin sa tambalang ito.
Very much in sync pagdating sa mental at spiritual level, which is important. Hindi sila mahilig mag-plano ng mga lakad, pero game na game sila sa pag-deal sa samu’t saring challenges. Parang game show contestants lang, huh? Ang pagiging straightforward lang minsan ng Saggitarius ang maaaring pagmulan ng away lalo na kung wala sa mood ang Aries, pero ‘yun lang sa ngayon ang nakikita naming maaaring maging problema ng dalawa. Maliban d’yan, smooth-sailing ang lahat!
Paging Singko! Mukhang naka-bingo kayo kina Daniel at Jasmine, ha! Kung may konsepto kayong rom-com, silang dalawa na ang isalang n’yo! Who knows, they’re meant to be together… even in real-life!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Daniel Matsunaga & Jasmine Curtis-Smith: A Romantic-Comedy Tandem To Remember!

Leave a Reply

Your email address will not be published.