Daniel Matsunaga, ‘di ibinigay ang P20K commission ng isang ahente?!

ISANG AGENT ANG lumapit sa amin na nagngangalang Dudu at nagkuwento ng kamalasaduhan daw ng boyfriend ni Heart Evangelista, ang Brazilian hunk na si Daniel Matsunaga, at ng handler nito.

Masamang-masama raw ang loob nitong si Dudu kay Daniel at sa handler nito, dahil ‘di tinupad ng mga ito ang kanilang pinagkasunduan. Ayon kay Dudu, ibinook n’ya raw sa isang event ng isang underwear brand si Daniel, kung saan napag-usapan nilang magpapatong siya ng kaunting halaga sa actual price na ibinigay ng handler ni Daniel, para kumita naman dahil siya na rin lang ang nakipag-negotiate na inayunan naman ng partido ng model/actor.

Pero after daw ng show at nakuha na ng kampo nina Daniel ang bayad, hindi nga nito ibinigay ang porsiyentong napag-usapan nila ng kaawa-awang agent na nagkakahalaga ng P20K. Tsika pa ni Dudu, hindi na raw sumasagot ang mga ito sa kanyang text o tawag man lamang kung ibibigay pa ba ng mga ito ang kanyang porsiyento o hindi na.

Dagdag pa ni Dudu, hindi naman daw kalakihan ang P20k sa porsiyentong napag-usapan nila na kanyang ipapatong sa presyo ng dyowa ni Heart nasabing underwear event kumpara sa malaking ibinayad dito. Sana naman daw, maging professional na kausap ang mga ito na ibigay sa kanya kung ano man ang kanilang napag-usapan. ‘Yun na!

 

NAPAPALUHA ANG isa sa Iglot cast na si Hiro Magalona sa tuwing maaalala nito ang sinapit ng kanyang kapatid na unang na-ngarap at sumubok na mag-artista pero ang kinalabasan ay kamatayan mula sa kanyang mga itinuturing na kaibigan na nakilala sa modeling/showbiz world.

Until now raw, hindi pa rin nalilimutan ni Hiro ang masakit at masaklap na sinapit ng kanyang kapatid na pinatay at inihulog sa isang building last year. Kaya naman daw kamuntik-muntikan na rin siyang hindi matuloy sa pag-aartista dahil ayaw na siyang payagan ng kanyang mga magulang at kamag-anak.

Pero dahil gusto nitong ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ka-patid, nakiusap ito sa kanyang mga magulang at kamag-anak na gusto niyang i-try at ‘pag walang nangyari, magko-concentrate na lang siya sa kanyang pag aaral na kaagad naman siyang pinayagan.

At ngayong unti-unti nang nakikilala si Hiro bilang isa sa busiest young actor ng GMA-7 having three regular shows, alam daw ni Hiro na ito raw ang katuparan ng pangarap ng kanyang kuya at masaya na ito sa kung ano man ang meron siya ngayon sa industriya.

 

HAPPY RAW SI Ms. Sylvia Sanchez sa pagpayat ng kanyang co-star sa Iglot, ang pinakabagong primetime fantaserye ng GMA-7 na magsisimula nang umere sa Aug. 29, na si Claudine Barretto at siya ang dahilan kung bakit ito pumayat.

Very vocal nga si Claudine sa pagsasabing si Sylvia ang dahilan kung bakit patuloy ang pagpayat niya nowadays, na ikinagulat din ng mga dumalong press people nang tumambad sa lahat ang pumapayat nang si Claudine.

Ayon kay Ms. Sylvia, nakita raw kasi niya na medyo tumataba si Claudine kaya kinausap ito na sabayan siya sa pagpapayat at epektibo naman daw dahil in a few weeks, kitang-kita ang pagpayat ng lead actress ng Iglot.

Dagdag pa nito, sayang naman daw ang ganda ng mukha ni Claudine at husay umarte kung patuloy lang itong tataba. Kaya naman daw kinausap niyang mabuti si Claudine at sa patuloy na pagpayat ng actress, di malabong ilang buwan lang daw, tatambad sa lahat ang dating Claudine na payat at sexy.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Daniel Matsunaga, ‘di ibinigay ang P20K commission ng isang ahente?!

  1. nacurious naman ako dito kay hiro magalona..related ba siya kanila maxene, elmo etc.? sino yung brother niya..parang nag ganda ng story, not naman na maganga yung nangyari pero interesting talaga

Leave a Reply

Your email address will not be published.