Daniel Fernando, sinaksak ni Philip Salvador!

SINADYA NAMIN sa Kapitolyo ng Bulacan si Vice-Governor Daniel Fernando para hingan ng reaction sa pagtakbong vice-governor ng Bulacan ni Philip Salvador sa 2013 elections.

Hindi naitago ni Vice-Gov. Daniel ang sakit na nadama na kakalabanin siya ng kapwa artista na mahal niya at itinuring pa niyang tunay na nakatatandang kapatid, si Ipe.

“Masakit. Kakalabanin ka ng kapwa mo artista. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao, ganyan pala kayong taga-showbiz, naglaban-laban,”say ni Daniel.

Sabi pa ni Daniel, puwede naman daw siyang tulu-ngan ni Ipe na maglingkod sa Bulacan sa ibang posisyon, puwedeng board member o kahit magtayo ng party-list at kanya pa itong tutulungan.

Pero ang labanan siya sa pagka-vice-governor ng Bulacan ay para raw siyang sinaksak ng itinuring niyang kaibigan at tunay na kapatid.

Kung hindi pala tatakbong vice-governor ni Ipe ay walang magiging kalaban si Daniel sa 2013 elections.

‘Di ba may prize na matatanggap sa gobyerno ang isang nanunungkulan sa anumang posisyon kung walang lalaban dito sa dara-ting na election.

Anyway, hindi rin daw naniniwala si Daniel na nasulsulan nina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada si Ipe para kalabanin siya sa Bulacan.

Tinawagan raw siya (Daniel) ng staff ng dalawang senator na sinabihan daw si Ipe na mag-isip muna ng sampung beses sa desisyon nitong kalabanin sa Bulacan ang kapwa-artista.

Pasadong alas-sais ng gabi, umalis kami ng Kapitolyo ng Bulacan, pero dagsa pa rin ang mga tao sa opisina ni Vice-Gov. Daniel. Lahat ay binibigyan ng financial assistant ni Vice-Gov at tulong sa bawat barangay ng Bulacan.

 

SA PAPARAZZI last Saturday, hindi mo iisiping napikon na si Ruffa Gutierrez sa Bulong ng Palad segment ng show kung saan siya ang isinalang sa tanong ng mga kasamang co-host.

Binigyan kasi si Ruffa ng birthday presentation ng mga kasama sa show at dahil birthday ay siya ang isinalang sa Bulong ng Palad, kung saan very personal na tanong ang ipinukol sa kanya.

Maging ang hirit na tanong ni Zoren kay Ruffa na kung sino sa kanila ni John Lloyd Cruz ang magaling sa…?

Tinayuan ito ni Ruffa imbes na sagutin at nagpasalamat na lang sa mga nagpadala ng cakes at sa kanyang sponsors.

Nagpaalam si Ruffa na poise na poise pa ito at nagtungo ng dressing room para kunin ang dapat ayusin para umuwi.

Sa Twitter lang ng actress napagtanto namin na hindi niya nagustuhan ang ginawang pagtatatanong sa kanya ng very personal na tanong.

Narito ang kanyang sunud-sunod na tweets:

Hindi ako natutuwa sa birthday presentation ng Paparazzi para sa akin. Wala kayong kuwenta at wala kayong respeto.

“Hindi ninyo man lang naisip na nanonood ang mga anak ko!… My friends were watching.

“Binastos ako ng Paparazzi on my birthday. I’m so sorry but The Buzz would never do this to me. EVER!

“From this day on, I will no longer be part of Paparazzi. I will never tolerate DISRESPECT in any form done to me, to my children or to my beloved viewers.

“I refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames others.

“I know God will provide work for me in other ways so I can take care of my daughters.

Sa mga hindi nakaaalam ng Bulong ng Palad segment ng Paparazzi, pabulong na tinatanong ang artista ng multiple choice. Hindi naririnig sa ere ang tanong pero ang mga choices ay maririnig pati na ang sagot ng artista.

Hindi nagustuhan ni Ruffa ang tanong sa kanya na ginawa ng writers kaya pagkatapos ng show ay nag-tweet na siya ng kung anu-ano.

Kung naging maanghang ang tweets ni Ruffa, mas maanghang ang tweets ng kanyang ina na si Annabelle Rama dahil tinawag na maniac, bobo, stupid, idiot, atbp ang writers ng show.

Ibinulgar ni Annabelle ang tanong na itinanong kay Ruffa nang pabulong na: “Sino kina Aga, JL, Robin ang pinakamalaki ang tit…? Sino kina Zoren, Aga, Robin ang magaling sa kama?”

Ano kaya ang magiging reaction ng TV5 management tungkol dito? Bukas ang column namin para sa kanilang panig.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

7 thoughts on “Daniel Fernando, sinaksak ni Philip Salvador!

  1. My God. There’s something wrong with this Family. They act like they are super talented but for the mere fact, they are just arrogant liars who think they are ALL THAT. Starting from the mal edukadang ina, his Super Gay mapang lait and feeling sikat sister , este brother Raymond, and the robotic alien faced Richard who has poor acting skills and sad to say talentless. and they demand like we filipinos should look at them highly at BAKIT???? She felt like binastos siya, oh well, that’s because she’s Bastusin. Stop the Primadorang arte because she has no career. Isa kang HAS BEEN,…LAOS! Ruffa Guttierez!

  2. Mr Fernando taga cavite po ako,, Di mo dapat katakutan yang Philipp Salvador na yan.. Sa San Juan o Mandaluyong ata lumaban ng pagka  Vice Mayor yan,, Talo sya,,, Wala ng asim yan,, Anong gagawin nya sa Bulakan,,,,, Magnakaw,,,He50x

  3. palibhasa wala ng showbiz career yan si philip salvador kaya sa bulacan naman gusto kumandidato at duon mangurakot… eh ilan beses na ba sya nagtangka sa pulitika hindi sya manalo kasi nga wala naman talaga sa pagsisilbi sa tao nsa puso nya, magpayaman sa pwesto hangad nya….

  4. si ipe tatakbo sa probinsya namin (bulacan) bakit lahat na lang ng syudad at probinsya sinubukan nya, sa palagay ba nya iboboto sya ng mga bulakenyo at bulakenya kht i claim nya bulakenya nanay, ngayon sinasabi nya bulakenya nanay nya dahil may kailangan sya sa bulacan (boto).
    dati rati para isinusuka nya bulacan… pka plastic ni philip salvador….

  5. ah well desperate na si Philip salvador,laos na kaya he dont care about others feeling,good luck na lang Daniel friend yan ni Revilla at estrada

Leave a Reply

Your email address will not be published.