Danica Sotto-Pingris, hindi madaling natanggap si Pauleen Luna bilang stepmom

NOON pa man, malaki na ang pagtutol ni Danica Sotto-Pingris, panganay na anak ni Vic Sotto sa dating asawang si Dina Bonnevie, sa relasyon ng kanyang ama kay Pauleen Luna.

Danica Sotto-Pingris

Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, ay inamin ni Danica na tanggap na niya ito bilang stepmom.

Ayon kay Danica, nakikita raw niya kung paano inaalagaan ni Pauleen ang kanyang ama. Maliban dito, mabuti raw ang pakikisama ng aktres sa kanilang lahat.

“Ang galing din talaga ni God. Kasi ‘yung pagiging close namin ni Pauleen ngayon, hindi namin pinilit. Nangyari lang siya naturally, nakisama siya nang maayos sa aming lahat. Kasi siyempre, doon ko rin nakita kung paano niya alagaan nang mabuti si Daddy. Makikita mo naman si Daddy na he’s happy at okey ang health niya,” ani Danica.

Sa ngayon hindi na rin daw naiilang si Danica kay Pauleen. “Nawala na ‘yong pagkailang ko kapag nandiyan si Pauleen sa mga family gathering namin,” saad ni Danica.

Lahad pa niya, “Before nandoon ‘yung awkwardness, kasi nga parang magbabarkada lang kami. Hindi naman siya ‘yong madali naming matanggap… ang daming apprehension. Nandoon yung, ‘Uy, ano ba ‘to? Paano ba ‘to?’ Marami akong questions. Marami akong gustong sabihin tungkol sa relationship nila, pero lahat ‘yun, wala na.”

“Kasi nagkaroon na ng acceptance, ngayon wala nang ilangan sa amin. I can honestly say na wala na,” kuwento pa ni Danica.

 

Mariel de Leon, target ang Miss Universe title sa Binibinging Pilipinas 2017

ISA sa matunog na pangalan sa nalalapit na coronation night ng Bb. Pilipinas 2017 ay si Mariel de Leon, anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Mariel de Leon

Para kay Mariel, kung siya raw ang mapipiling maging kinatawan ng bansa sa susunod na Miss Universe pageant, pagsisikapan daw talaga nitong iuwi ang korona mula sa kinikilalang pinakaprestihiyosong kompetisyon ng international beauties.

Malakas ang laban ni Mariel, kahit sa social media isa siya sa paborito at malakas ang dating. 

Candidate #15 si Mariel sa 40 kandidatang maglalaban-laban upang makuha ang titulo para sa Binibining Pilipinas-Universe 2017, na gaganapin sa darating na Abril 30.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na sumali si Mariel sa nasabing pageant. Ganu’n pa man, kahit hindi siya pinalad noong 2013, hindi nawalan ng pag-asa ang dalaga, bagkus ay tiningnan pa nito kung anu-ano ang dapat niyang matutunan sa minsang pagsali. 

Marami naman ang mga nagbigay ng predictions kay Mariel na isa siya sa mag-uuwi ng titulo. Pak!

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.