Danica Sotto at Oyo Sotto, ‘di nakikita si Pauleen na huling babae ni Bossing Vic Sotto?

Danica-Sotto-Oyo-SottoSOBRANG NATUTO sa kanilang nakitang karanasan kung paano nagkahiwalay ang kanilang mga magulang, kaya para kina Danica at Oyo Sotto, napakahalaga ng pagiging buo ng isang pamilya, lalo pa’t pareho na nga silang may mga sariling pamilya sa ngayon. Nagsilakihan naman kasi sila na para silang magkakaibigan ng kanilang mga magulang na sina Dina Bonnevie at Vic Sotto, kaya malungkot man noon ay magaan na rin nilang natanggap ang sitwasyon na hindi na puwedeng magkabalikan ang kanilang mga magulang.

Parehong tanggap nina Danica at Oyo na dahil parehong showbiz ang buhay ng kanilang mga magulang, kaya sobrang naging kontrobersiyal ang hiwalayan at ang mga sumunod na pakikipagrelasyon sa iba ng kanilang Mommy’t Daddy.  Kaya sa ngayon, kahit parehong kilala sa showbiz ang mga napangasawa nilang magkapatid, mas gusto nila ang simpleng pagsasama ng mag-asawa na hangga’t maaari ay hindi masyadong napag-uusapan sa showbiz.

Maraming babae na ang dumaan sa lovelife ni Vic. Parang teleserye na sa haba ang kuwento ng mga pakikipagrelasyon ng sikat na komedyante. Kung si Pauleen Luna na ang magiging huling babae sa buhay ni Vic, iyon na rin ang wini-wish nina Danica at Oyo. Pero kung sa itinagal na rin ng relasyong Pauleen at Vic ay hindi pa rin sila magkatuluyan, ipagkikibit-balikat na lang iyon nina Danica at Oyo. Dahil kahit sila, hindi nila alam kung sino ang magiging huling babae sa buhay ng kanilang Daddy.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Danica Sotto at Oyo Sotto, ‘di nakikita si Pauleen na huling babae ni Bossing Vic Sotto?

Leave a Reply

Your email address will not be published.