Dangerous Drug, Nasabat sa NAIA

SA UNANG pagkakataon nasabat ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang tinaguriang dangerous drug na liquid cocaine mula sa isang nagbabalik na OFW.

Sinabi ni NAIA-IADITG Task Group Commander at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. na ang pagkumpiska ng naturang liquid cocaine na inilagay sa mga plastic bottles ng mga hair care products ay siyang kauna-unahang interdiction operations na isinagawa sa NAIA.

Ayon kay Cacdac, nakumpiska ang mga nabanggit na illegal na droga mula kay Mary Joy Corpuz Soriano, 25-years old, nagbabalik na Overseas Filipino Worker (OFW) na tubong Dipintin, Maddela, Quirino Province.

Inihayag ni Cacdac na nakatanggap sila ng intellgence report mula sa United States Drug Enforcement Administration kaugnay sa isang Pinay na may dalang illegal drugs at pabalik na ng bansa.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa kustodiya ng PDEA NAIA-IADITG si Soriano at nakahandang sampahan ng kasong transportation of dangerous drugs (Section 5), Article II, Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.