Stars Candid: Dancing Bentong

Isa sa mga komedyante sa Dos at katropa ni Papi sa Wowowee si Pareng Bentong. Hindi man siya kagaya ng mga bigating komedyante sa bansa, aba’y may sariling identity naman itong si Bentong, huh! Hindi nga ba’t maraming Wowowee viewers ang aliw na aliw sa kanya lalo na ‘pag nag-English na ang lolo mo. Feeling tuloy namin, mabigyan lang bonggang break itong si Pareng Bentong, aba’y paniguradong bobongga ang kanyang career.

Kung hindi man sa comedy siya magtatagumpay, kayanin kaya ng powers niya ang dancing? Nang napadalaw nga kami nitong nakaraang July 26 sa taping ng Shall we Dance ni Lucy Torres-Gomez, aba’y hindi nagpatalo si Bentong sa sayawan. Giling kung giling, indak kung indak. Para lang siyang isa sa seven dwarfs ni Snow White habang sumasayaw. Hihihi!

Stars Candid by Jean Oli, Photos by Luz Candaba

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.