Dancer, Patay sa Putok ng Lover

NAMATAY ANG isang babaeng dancer matapos itong barilin ng kanyang lover makaraang magselos ang salarin sa biktima sa Pasay City.

Nakilala ang nasabing biktima na si Jayel Stacy Pacencia, 24, nagtatrabaho sa Beiruth KTV Bar sa EDSA, Pasay City at nakatira sa Tenement Building, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang Taguig City Police para sa agarang pag-aresto sa salarin na nakilalang si John Tapmus, 27.

Nangyari ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi sa tinitirhan ng suspek sa 179 Protacio St., Pasay City.

Ayon sa salaysay ng ina ng sualarin na si Sandra, 44, nakatira rin sa naturang lugar, makalipas ang tatlong oras, pag-uwi niya sa tinitirahan mula sa paggo-grocery, napansin niyang hindi mapakali ang kanyang anak at makalipas ang ilang minuto ay dali-dali itong umalis.

Nabatid na nauna nang narinig na nag-aaway ang biktima at salarin hanggang sa makarinig ng putok ng baril.

Nang puntahan ng ginang ang silid ng anak ay doon tumambad sa kanya sa banyo ang biktima na nakahandusay, duguan at wala nang buhay.

Kaagad na ipinagbigay-alam ni Sandra ang krimen sa mga awtoridad.

Samantala, nabatid na nagselos umano ang suspek sa nobya at naghihinala ito na may ibang lalaki ang dancer. Gayunman, patuloy pang sinisiyasat ang nabanggit na kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.