Dancer, Kritikal sa Nag-Trip

KRITIKAL ANG isang dancer matapos makursunadahang pagsasaksakin ng dalawang kelot habang ang una ay nagpapa-praktis ng sayaw kahapon ng madaling-araw sa Navotas.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Ferdinand Burgos, 18 ng R. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Buknoy at isang hindi pa kilalang kasama.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw, nagpa-praktis ng sayaw ang biktima kasama ang mga kaibigan na sina Paolo at Joshua sa E. Mariano St., Tangos ng lungsod nang lapitan ng mga lasing na suspek.

Nakursunadahan ng mga suspek ang biktima at agad na sinapak bago pinagsasaksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.