Dana Garcel, drugged?

May nagpainom nga ba ng droga kay Dana Garcel at kinailangang isugod siya sa Philippine General Hospital (PGH) matapos makipaghapi-hapi kasama ang mga kaibigan noong Sabado ng gabi, Marso 14?

Natagpuan ng ating kamerang-gala si Dana Garcel, na mas kilala dati bilang si Everly Locsin, sa PGH na nakahiga sa emergency bed habang hawak-hawak nito ang kanyang tiyan sa sobrang sakit.

Nakaramdam daw ito ng matinding pagkahilo at pananakit ng tiyan matapos gumimik kasama ang mga kaibigan. Sinundo si Dana ng kanyang nanay at nakatikim pa ito ng sermon na hindi raw kasi ito namimili ng kaibigan.

Dating host ng Lunch Break si Dana. Isa rin siya sa mga nakaligtas sa aksidenteng nagresulta sa pagkasawi ng isa pang sexy starlet na si Halina Perez. Mula noong aksidente, tumigil siya sa pag-aartista at nagtrabaho bilang sing-along master sa isang bar sa Kamaynilaan.

Ngayong nalagay sa peligro ang kanyang buhay, plano raw ni Dana na sampahan ng kaso ang tatlo niyang kaibigan na pinaghihinalaang nagpainom ng ‘droga’ sa kanya.

by Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.