Damay sa riot ng kabataan 2 katao, malubhang nasugatan

DALAWANG KATAO ang malubhang nasugatan nang tamaan ang mga ito ng ligaw na bala ng baril na ipinutok ng isa sa dalawang grupo ng kabataan na nagra-riot sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ang dalawang biktima na nakaratay sa Manila Central University hospital ay nakilalang sina Vergel Orollo, 33; at Mark Titoy, 21, kapwa residente ng Maria Clara St., ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, bandang alas-2:40 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Maria Clara Street.

Nabatid na, kasalukuyang naglalakad ang dalawang biktima ng biglang mag-riot ang dalawang grupo ng kabataan.

Isa sa dalawang grupo ay biglang pinaputok ang hindi nabatid na kalibre ng baril.

Sa puntong ito ay tinamaan ng ligaw ng bala ang mga biktima kung saan  si Orollo ay tinamaan sa gawing likod na bahagi ng katawan habang si Titoy naman ay nagtamo ng bala sa binti.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.