Damage Cost sa Tubbataha Reefs, Pag-aaralan

TUMANGGI MUNANG magkomento ang US Navy kaugnay sa sinisingil ng Philippine government kaugnay sa pinsalang idinulot nang pagsadsad ng barko nito sa Tubbataha Reef.

Ayon sa ahensiya, hihintayin muna nila ang pormal na report kaugnay sa isinagawang damage assessment sa bahura ng Tubbataha.

Una rito, sinasabing umaabot umano sa P60 million ang babayaran ng Amerika dahil sa naturang insidente.

Sinabi ni Tubbataha Protected Area Management Park Supt. Angelique Songco na ang nasabing halaga ay base sa pag-aaral na isinagawa ng ilang ahensiya kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) matapos na masira ang umaabot sa 2,345 square meters o 25,240 square feet ng UNESCO World Heritage site sa Sulu Sea.

Samantala, nakatakda umanong ipada ang sulat sa US embassy sa susunod na linggo upang hilingin na bayaran ang nabanggit na halaga.

“We don’t want to be dishonest. It is just a simple process: measure it correctly and then they pay. That is all. It is very straightforward,” ani  Songco.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.