Dalawang sikat na singer/actor/TV host, huling-huling naglalampungan!

OLA CHIKA! NAKU mahulaan n’yo kaya kung sino ang pahuhulaan ko sa inyo. Maloloka kayo, dahil mismong ang dalawang mata ko ang nakakita at napatunayan ko nga ang tunay na katauhan ng aking pitik-bulag. Hay, buhay nga naman ng mga artistang mahilig magpanggap na tunay silang mga lalaki.

Noong nakaraang araw, alas-7 ng gabi, sa may bandang Quezon City Circle, hinihintay ko ang aking kaibigang taga-showbiz din, dahil magbo-blow-out ito. Sa kahihintay ko sa friend ko, may kalahitng oras na ang nakalilipas, may nakita akong isang sasakyan. Huminto ang sasakyan sa tabi ng batang nagtitinda ng sampaguita.

Unang lumabas mula sa kotse ang isang sikat na model/singer na nagpupumilit na maging isang aktor kuning-kuning. Hahaha! In fairness naman sa kanya, mabait siya at mukhang naawa yata sa bata na nagtitinda ng sampaguita kaya binili niyang lahat ang mga iyon. Hmm… maya-maya, lumabas ang international singer kuning-kuning na TV host din.

Nagulat ako dahil ang isang Kapuso at isang Kapamilya, nagsama! Kaya ang lola n’yo, todo-spy sa dalawa. Humawak si TV host/international singer sa bewang ni singer/actor/model, at naglampungan pa! Nakakaloka, ha?! In public talaga!

Habang kinukunan ko sila ng picture, aba! Nawindang din ang aking camera, at ayaw guma! Dahil punung-puno na pala, kailangan nang magbura. Nakakaloka, ha?! Pero infernezz, sweet ang dalawa.

Naku, mahuhulaan n’yo kaya kung sino sila? Clue ng singer/actor/model, laking abroad ito. Hahaha! At ang clue ng international singer/actor/TV host, may girlfriend ito ngunit front lang pala. Hahaha! Another clue, palagi itong pumupunta sa Kapuso, dahil Kapuso ang kanyang tatay-tatayan. ‘Yun na!

ITO ANG NAKARATING sa akin, na nagagalit ang mga Vilmanian kay Angel Locsin, huh! Dahil nga sa salitang binitiwan ng dalaga na si Nora Aunor talaga ang nag-iisang best actress oo all time. Nakakaloka nga naman!

Eh, sino ba si Angel kay Ate Vi? Siya lang naman ang girlfriend ng anak ng Star for All Season. Kaya ito raw ang ikinagalit ng mga Vilmanian sa dalagang aktres.

Naku, ha? Ano kaya ang masasabi ni Ate Vi at Lucky sa isyung ito, at ito pa ngang si Angel daw ang pinili ni Ate Guy na maging bida sa remake ng Himala?

Exciting ang drama ng lola n’yo, ha?! Malayo pa nga ang Pasko, makauuwi na ang Superstar sa bansa, dahil isa na pala itong green card holder sa Amerika, at anytime nga, puwede na siyang magpabalik-balik sa ‘Pinas mula Tate. At may gagawin nga raw itong pelikula, kung saan siya rin ang gaganap na bida at kontrabida. Hmm… nakakaloka! Ano kayang movie ito?

Ang pagkakaalam ko, si Chavit Singson ang magpo-produce ng pelikulang hindi pa nga mabanggit-banggit ang title, at ito rin daw ang tutulong kay Ate Guy na makauwi sa ‘Pinas, para nga magawa ang pelikula. I’m sure, matutupad ‘yan. Chavit pa! Hahaha!

Isa rin sa dahilan kung bakit uuwi ang Superstar, ikakampanya niya kasi ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Ito ang nakarating na chika sa akin, ha? Pagkauwi nga raw ni Nora, diretso nga raw ito ng Saranggani, at tutulungan si Manny sa kanyang kandidatura sa nais nitong makamtan na buhay-politician. Naku, ha?

Kaya ito ang malaking aabangan ng lahat. ‘Yun na!

by Tita Swarding

Previous articleRica Peralejo, getting married to a pastor
Next articleNo misunderstanding between Cristine Reyes and Banana Split cast?

No posts to display