Dalawang Kapamilya stars, nautakan ni Francine Prieto?!

AS OF PRESS time, close to P1M na raw ang natatanggap na donations ni Francine Prieto magmula nang nag-post siya sa kanyang Twitter account ng isang statement asking for help para sa kanyang mommy na may malubhang sakit. And as expected, mga kasamahan sa industriya ang nangunang tumulong para magbigay ng pondo sa dating sexy star.

Kaya lang, dalawa raw sa mga artista ng Kapamilya network ang nagsisisi sa pagbigay nila ng donation nang nalaman nila na meron palang malaking house and lot na ibinebenta si Francine na nagkakahalaga ng P10M.

Sa totoo lang, hangad namin na gumaling agad si Mommy pero kung tutuusin daw kasi, puwede namang ibenta muna ni Francine ang kanyang bahay na kung P10M ang market price nito, e, siguradong mabilis itong makukuha sa P5M na puwede na rin niyang ibigay nang mas palugi pa sa prospective buyer, dahil kailangan niya ng mabilisang cash para kay mommy.

At kung hindi man maibenta ng palugi, e, puwede rin niya itong isangla kahit na P1M muna para lang maisalba agad ang pangangailangan ng kanyang parent nang hindi na muna siya nangalampag sa mga kasamahan sa industriya.

Kaya ngayon, gusto raw sanang bawiin ng dalawang stars ng Dos ang naibigay nilang pera nang nalaman nilang may malaking property pa si Francine at hindi pa naman daw pala siya ganu’n ka-desperate sa pangangailangan.

“Nautakan kami ni Francine. Ha-ha-ha!” Sabi pa ng dalawang stars na idinaan na lang sa tawa ang lahat na pareho ring may mala-Diyosang kagandahan.

But still, pinagdarasal pa rin daw ng dalawang stars na ‘yon ang mabilisang paggaling ng mommy ni Francine.

May point nga naman ang dalawang stars du’n. Naku, kung sakaling ma-realize ng iba at bawiin nila ang kanilang naibigay na donations, malamang, maipi-prito si Francine Prieto sa sarili niyang mantika.

HINDI PA MAN nagsisimula ang pre-pageant night ng Binibining Pilipinas ay usap-usapan na ang pagpasok ni Krissa Mae Arrieta sa mga finalists at hindi nga nagkamali ang mga nag-o-observe dahil hindi lang ito pasok sa banga kundi ang girlfriend ni JayR pa ang nakakuha ng Ms. International title.

Medyo pumalpak lang ng konti ang mga insiders noon sa pagsabing Ms. World ang naipangako kay Krissa dahil ‘yung isang title ang napunta sa kanya.

Ngayong tapos na ang pageant night at kahit na sabihin pang deserving si Krissa Mae na manalo, hindi maiaalis na usap-usapan sa dressing room ng mga “thank you girls” ang pagiging unfair ng pagkakasali du’n ng Artist Center talent.

Sabi raw sa dressing room, pare-pareho naman daw silang lahat na magaganda pero dahil taga-GMA-7 Artist Center at girlfriend ni JayR si Krissa, e, madaling naipo-focus sa kanya ang attention ng mga judges at ng mga viewers.

At nu’ng nag-serenade daw si JayR sa mga girls ay talagang tinagalan pa raw niya ang pagtabi kay Krissa with matching malagkit na titig which solicited some ‘ooohs’ and ‘aaaahs’ from the audience kaya parang ten steps ahead agad si Krissa kung ikukumpara sa iba.

Sana lang daw, kung lahat sila ay pare-parehong nobody, e, magiging level ang playing field sa pageant at lahat ay may equal chance na manalo.

Kaya lang, tapos na ang pageant. Kaya sorry na lang sa mga “thank you girls” at i-enjoy na lang natin ang beauty ng mga nagwagi, okie?

For reactions, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

12 thoughts on “Dalawang Kapamilya stars, nautakan ni Francine Prieto?!

  1. si Anne Curtis impossibleng magsalita ng ganun, kasi known na mabait tlga at may malaking heart si Anne at never ngkaron ng issue sa pera! Ewan ko lng sa ANgel Locsin, kasi palagi yan may issue sa pera before sa manager nya!!!!!

  2. hmmm, u mean to say si ANgel at Anne Curtis e di bukal sa loob ang mga pagtulong na ginawa? cheesy itong writer na ito ha! I am not a fan of these girls pero di naman kapanipaniwala na sasabihin nila yun! ang hirap kasi sa mga ibang writer banat ng banat kahit kaimbentuhan! hay naku! kya kayong mga readers hwg patol ng patol sa mga nababasa nyo!!!!!

  3. halatang bitter ang writer nito….

    bat d mo pangalanan ung 2 n kapamilya stars? e halata nmng cna Angel Locsin at Anne Curtis yan dba?

    sus ginoo nmn oh ! tumulong na intrigahin pa…tsk3 mga tao tlga ala magawa sa buhay nila….

    bakit k nlng tumulong kesa naninira k pa ng ibang tao aber?

  4. pag tumulong dapat bukal sa puso. may matinding sakit nanay niya. and she said naka loan ang bahay at kotse niya so hindi pa sa kanya yun.

  5. sus !!! ang kpal ng mukha ng writter na ito !!! ibigay moh nga ang nym nong 2 stars ng dos !!! walang ganon na stars ng dos na tutulong tapos sisiraan pa nila ?? alam nila ang tunay na pinagdaraanan ni francine at bukal sa loob nila ang tumulong !!!

  6. sana hindi totoong cnabi un ng dalawang star.. pag nakatulong ka na di na dapat pang manghinayang. bagkus maging tenkful na lng na nakatulong ka sa kapwa mo kailangang kailanga nya man o hindi..

  7. ang pagbebenta ng property sa pinas lalo na’t high end ay hindi basta-basta lalo na 10mil na bahay sa lugar na na-ondoy? bibilhin mo ba un ng 10mil? kailangan ni francine prito ng pera kaagad. kung ikaw ba na me malubhang sakit din ang nanay hindi ka ba parang hilong talilong para makahanap ng pera para mapagaling o pambayad hospital? hindi naman siya kumikita ng sapat sa kapus-o na nagtitigbakan pa ng shows.

  8. Ang opinion ko dito. Kung hindi naman ikaw ang tumulong, bakit ka magbubunganga?

    I’m very sure that these people who helped, bukal sa puso nila ang ginawa nilang pagtulong at hindi sila magsasabi ng ganitong salita. Lalo na si Anne Curtis.

    Huwag na sanang bahiran ng malisya at intriga ang makapusong pagtulong-tulong na ginawa ng mga taga-showbiz industry. They are happy for what they have done helping an in-need. Let us just leave it like that.

  9. it’s not mean to Francine. kung meron ka naman palang property that you can sell then why do you need help from other people. it only means na aside from your needs, gusto mo pa rin mabuhay at tumira sa maranyang bahay. na hindi mo gusto i-forego yun for your family.

  10. hndi naman dahilan na may property ang tao para hindi na tulungan. kung maibenta man ang bahay, at maubos sa pagpapagamot. hindi ba mas dyaheng manghingi ng tulong para pambili ng bahay?

Leave a Reply

Your email address will not be published.