Dalawang aktor, madalas inuumaga ‘pag nagba-bonding

BLIND ITEM: MUKHANG malabo na ngang magbago ang inactive na young actor sa kanyang naging bisyo ngayon. May nag-text kasi sa amin na tuluy-tuloy pa rin ito sa kanyang bisyong pagkaka-casino.

Ang latest nga ay nakita ng aming impormante na present ang young actor sa kabubukas na casino sa may bandang south area. Kulang na nga lang daw ay doon na ito tumira. Pinakamaigsing oras niya ay buong araw na kapag nagka-casino ang young actor na bida natin.

Kung saan may bagong open na casino, talagang pinupuntahan nga raw nito. May araw naman daw na panalo ito, pero mas madalas pa rin daw na siya ay natatalo. Alam mo naman ang sugal.

Kaya naman, kahit sumikat siya sa kanyang panahon, puwede na rin daw siyang presyuhan ngayon ng mga bading na may datung. Dati nga ay pa-hard to get ito, pero ngayon ay open na rin siya.

Basta bitin sa sugal at kapag ubos na ang kanyang perang dala, puwede na nga siyang mambading o kaya’y mang-matrona.

O, knows n’yo ba kung sino siya? Well…

SA AMIN LANG nasabi ito. Ang kapatid ni Anne Curtis pala na si Jasmine Curtis ang crush sa showbiz ng anak ni Vilma Santos at Ralph Recto na si Ryan Christian. Ang tanong, alam kaya nitong anak ni Ate Vi na marami siyang karibal sa ganda ni Jasmine?

Yes, si Aaron Villaflor lang naman ang kanyang mahigpit na karibal kung sakaling pormahan nga ni Ryan ang bunsong kapatid ni Anne.

At ang tanong ngayon ay makaya kaya nilang puntahan si Jasmine sa Australia para doon ligawan? Bumalik na nga ito sa Australia, dahil nga doon ay nag-aaral ang dalaga.

Ang tanong ulit ngayon ay magbalik pa kaya ang dalaga? Pero oras bumalik ito, tuluyan na kayang manligaw ang bunsong anak ni Ate Vi?

Well, sana husayan niyang manligaw dahil ang pagkakaalam namin, si Aaron na ang malapit ngayon sa nasabing dalaga.

Well… abangan!

BLIND ITEM: KILALA n’yo ba kung sino itong dalawang dramatic actor na ito? Si actor 1 at actor 2 ay sobrang mag-bonding na umaabot hanggang madaling-araw.

Inuman, halakhakan at biruan ang nagaganap kapag sila ay nagkikita. Para bang miss na miss nila ang isa’t isa, kung kaya  naman madalas daw na puyat ang tatay ng young actor number 2, dahil nga sa hindi sila makatulog ‘pag bumibisita si actor 1. Siyempre, puyat din sila dahil nga super party ang grupo kapag dumalaw na ito sa kanilang anak.

Ang nakakalokah raw, madalas na hubad na, wala nang pang-itaas na damit ang dalawa oras na matapos ang kanilang bonding.

Ang tanong, bakit kaya?

Ang tsika pala, nagkaroon ng relasyon ang dalawa. At alam ito ng tatay ni actor 2. Dedma na lang si fadir, bulag na lang siya sa kanyang nakikita kapag may bonding na nagaganap. Tolerated nga ang tawag doon. Pero hindi raw accepted.

Kilala nga naman kasi ang dalawang ito. Pinoy na Pinoy ang kanilang pagkaguwapo.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

30 thoughts on “Dalawang aktor, madalas inuumaga ‘pag nagba-bonding

  1. c polo ravales ba yung actor na pabooking sa mga vaklang madatung at taga showbiz? eh ang jutay naman ng etits non! promise!

  2. ANO BA HINDI PIOLO AT SAM YAN,,, WALA NG TATAY C PIOLO..C SAM NASA AMERICA ANG FATHER AMERICAN… FANNY SERRANO AT RICKY REYES YAN….WAHHHH

  3. parami na ng parami ang mga bi’s at discreet’s haist…
    kung cno man jan ang tulad ng mga ito..text me po..hehe
    here’s my number 09395888984….take care!

  4. c Piolo at Mark Bautista pa rin yon nasa BI.. kapwa pinoy ang pagkagwapo nila 2. at saka father ni Mark yon tinutukoy dahil diba once paliwanag c Mark na naaksidente sya at kasama father niya at hindi c Piolo….

  5. yung sa casino baka si richard reynoso yan. di ba nga sya yung nagbabasa ng numbers sa bingo? Sa letrang B, medreng pugot, nakaluhod! Numero Dos!

  6. Piolo at Sam na naman?…asus, maghanap ka nga ng bagong isyu…nag-rerecycle ka nalang ata eh

Leave a Reply

Your email address will not be published.