Dalagita,Niluray ng Kinakasama ng Ina

NASA KUSTODIYA na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 12-anyos dalagita makaraang halayin umano ng mismong live-in partner ng kanyang ina sa kanilang tinitirhang bahay sa may bayan ng Sibuco, Zamboanga del Norte.

Nakakulong na rin sa detention cell ng Sibuco Municipal Police Station ang salarin na kinilalang si Fredie Elnacil dela Cruz, 25.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na magkasamang naninirahan sa iisang bahay ang mag-ina kasama ang suspek.

Napag-alaman din ng pulisya na ginagawa ng suspek ang panggagahasa sa dalagita sa tuwing iniiwan siya ng ina sa kanilang bahay.

Noong nakaraang araw lamang nang matuklasan ng ina ng biktima ang ginagawang kababuyan ng kanyang kinakasama kaya hu-mingi na siya ng tulong sa mga pulis at inaresto na si Dela Cruz.

Isinailalim na rin sa inquest proceedings sa Regional Trial Court (RTC) ng lalawigan ang salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.