Dalagitang two-timer, Tinadtad ng nobyo

BRUTAL NA KAMATAYAN ang inihatol ng isang binatilyo sa kanyang nobya na pinaghihinalaang nangangaliwa sa bayan ng Cuartero, Capiz.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Annavie Felife, 16 anyos, kasambahay sa Barangay Carataya, Cuartero, Capiz.

Arestado naman si Lindo Caporcos, 18 anyos at residente rin sa nasabing lugar.

Ayon kay Teresita Estorque, amo ni Felipe, alas-1 ng madaling-araw nang makarinig siya ng kalabugan sa labas ng kanyang kuwarto at nang lumabas ito ay nakasalubong ang suspek na papatakas.

Sinabi pa ni Estorque na nabangga siya at binugbog pa ni Caporcos saka lumisan.

Nang kanyang tunguhin ang kuwarto ni Felipe ay natagpuan itong nakahandusay at naliligo sa sariling dugo.

Itinakbo pa sa ospital ang biktima subalit namatay rin ito bago pa man lapatan ng lunas ng doktor.

Sa interogasyon kay Caporcos, inamin nito na ma-tinding selos ang nagtulak sa kanya kaya nagawang paslangin ang dalagita. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.