Dalagitang Senglot, Todas; 2 Angkas, Kritikal sa Pagsalpok sa Nakaparadang Trailer Truck

PATAY ANG isang dalagita habang kritikal ang dalawang dalagang angkas na pawang mga lasing umano nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa nakaparadang trailer truck sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Daisy Dawang, 17, ng Apahap St., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi rin ng mga pinsala sa ulo at katawan sina Jersilyn Vergabo, 20, ng Lapu-Lapu St., NBBS ng lungsod; at Juliet Dela Cruz, 20, ng Sabalo St., Dagat-dagatan, Caloocan City.

Base sa ulat, alas-12:30 ng madaling-araw, angkas ng nasawi ang dalawang dalaga sa motorsiklo na sinasabing mga nakainom at pagsapit sa R-10 NBBS ay biglang sumalpok sa hulihang bahagi ng nakaparadang trailer truck.

Sa lakas ng pagkaka-salpok ay tumilapon ang mga biktima at napuruhan ang nasawi habang nadala sa JRMMC ang dalawang angkas.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.