Dalagitang nakisilong para ‘di mabasa, ginahasa

LUHAANG DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang isang 13-anyos na dalagita para ireklamo ang tatlong tambay na umano ay halinhinang gumahasa sa kanya matapos na makisilong sa isang tindahan habang kasagsagan ng malakas na ulan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Bagamat nanginginig sa takot, lakas-loob na nagreklamo sa pulisya ang biktima na itinago sa pangalang “Jemme”, estudyante at kasalukuyang residente ng Barangay 168, Deparo ng nasabing lungsod.

Kaagad namang naaresto ng mga awtoridad ang dalawa sa tatlong suspek na nakilalang na sina Job Daumar, 32 anyos; at Rommel Seata, 24 anyos, habang pinaghahanap pa ng pulisya isang nakapagtagong suspek na pawang mga walang trabaho at residente rin ng nasabing lugar.

Sa isinagawang im-bestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng North Caloocan City Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa isang tinadahan hindi kalayuan sa bahay ng biktima.

Nabatid na papauwi na sana ang biktima sa kanilang tahanan nang maabutan ito ng malakas na ulan. Dahil sa pagod at ayaw mabasa ay nagpasyang sumilong na muna ang biktima sa isang bukas pang tindahan na hindi kalayuan sa kanyang uuwian sa pag-aakalang ligtas siya roon at maliwanag pa dahil may ilaw at saka may mga nakatambay pa.

Ngunit bago pa man tuluyang tumila ang ulan, biniro-biro siya ng tatlong kalalakihan ng mga salitang kabastusan at hindi angkop sa edad ng biktima, dahil sa hindi matagalan ang mga kantiyawan ng mga suspek ay nagpasya na lang sumugod sa ulan ang biktima.

Lingid sa kaalaman ng dalagita, sinundan pala siya ng tatlong kalalakihan na may balak pala sa kanyang masama at walang anu-anong dinakma siya mula sa kanyang likuran at kinaladkad sa isang madilim na bakanteng lote na ilang kanto ang layo mula sa sinilungang tindahan at doo’y hinawakan siya sa magkabilang braso ng dalawa sa mga suspek na sina Seata at isa pa nilang kasama at nang hindi na makagalaw ang biktima ay saka ito halinghinang pinagsamantalahan ng tatlong suspek.

Nang maisakatuparan na ang maitim na hangarin ay iniwan din ng mga suspek ang noo’y hinang-hinang biktima at sa kabila ng hirap sa paglalakad ay desidido siyang makabangon at mabigyan ng katarungan ang kanyang sinapit kahit pa blangko siya sa pagkakakilanlan ng mga suspek at ang tanging kanyang pinanghahawakang bagay na magtuturo sa mga suspek ay ang mga tattoo na nakita niya sa braso ng mga ito at ang natatandaan lang niyang mga itsura nila.

Nang makauwi ang biktima ay agad niyang isinumbong sa kanyang ina ang nangyaring kahayupan na hindi na nagdalawang-isip at agad na pinagsama sa himpilan ng pulisya at nagharap ng reklamo. Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng nasabing himpilan, nahuli ang dalawa sa mga suspek at nang makita sila ng biktima ay nanginginig itong positibong itinuro si Daumar at Seata.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Caloocan City Police detention cell ang dalawang mga nahuling suspek at pinaghahanap pa rin ang isa pang nakatakas na suspek kung saan ay pawang nahaharap sa kasong Rape in relation to RA 7610 o Child Abuse.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.