Dalagitang Kasambahay, Hinalay ng Nobyo

SAPILITANG HINALAY ang isang kasambahay ng kanyang nobyo sa loob ng bahay ng huli sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nadakip naman si Richard Victoriano, 27 ng Bayabas St., Talipapa, Caloocan City.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, nalaman ng amo ng biktimang edad 16 sa Sta. Quiteria ng lungsod na wala pa ang biktima na naging dahilan upang hanapin.

May nakapagsabi na nagpunta ang biktima sa nobyo na naging dahilan upang puntahan at nakita kung saan sinabi ng kasambahay na sapilitan siyang hinalay ng suspek.

Humingi ng tulong ang amo sa mga barangay tanod at ipinadakip ang suspek bago sinampahan ng kasong rape.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.