Dalagitang buntis; 1 pa, dakip sa pagnanakaw

DAKIP ANG ISANG dalagitang buntis at isa pang ginang matapos mahuling nang-uumit sa isang mini-grocery upang may ipambili ng pagkain ng mga anak sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek na edad 17 at kasamang si Maritess Agliam, 45 kapwa residente ng BMBA Cmpd., 2nd Avenue ng lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng umaga, pumasok ang mga suspek sa Paeng Mini Grocery sa Langaray St., ng lungsod.

Kumuha ng apat na karton ng Nido ang mga suspek at inilagay sa dalang bag na nakita naman ng may-ari na si Eden Padre.

Sinundan ng tingin ni Padre ang mga suspek at nang papalabas na ng grocery ay saka ito sinita ng una dahil hindi binayaran ang mga kinuhang Nido.

Agad na tumawag ng barangay tanod si Padre at ipinadakip ang mga suspek kung saan sa presinto ay sinabi ng dalagitang buntis na kaya lang sila nang-umit ay para ipambili ng pagkain ng dalawang maliliit pang anak ng dalagita.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.