Dalagitang Binubugbog at Minomolestiya ng Amain, Nailigtas

HALOS HINDI makapaniwala ang mga guro ng 13-anyos na estudyante sa Albay nang madiskubre na maliban pala sa araw-araw na pambubugbog ng lalaking kinakasama ng kanyang ina, ay ilang beses din pala itong pinagsamantalahan.

Una rito, nagkaroon ng pagkakataon na mahuli sa akto na sinasaktan ng suspek na nakilalang si Joji Serinio, 50, ng Pio Duran, Albay matapos na pumunta mismo ito sa paaralan ng menor de edad para muling saktan at pagsabihan.

Subalit, matapos na maipahuli ang suspek sa mga kinauukulan, nadiskubre rin ng mga tauhan ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) na maliban sa pambubugbog, ilang beses din umanong minolestiya ng suspek ang biktima.

Ayon kay chief of police Mauro Taytay ng Piuduran PNP, kinumpirma nito na may basehan ang lahat ng bintang sa nabanggit na suspek matapos na maiharap sa kanila ang lahat ng mga dokumentong makapagpapatunay na ang dalagita ay sinasaktan at ilang beses ding pinagsamantalahan.

Sa ngayon, patuloy pa ring kinukumpirma ng mga pulis ang balita na maging ang kapatid nito ay ilang beses ding naging biktima ng kanilang itinuturing na pangalawang ama.

Maliban sa kasong child abuse, nahaharap din sa kasong rape ang suspek dahil sa nadiskubreng karahasan nito sa kanyang anak-anakan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.