Dalagitang Basurera, Tinadtad ng Saksak

ISANG DALAGITA NA umano’y naaktuhang nagnanakaw ang pinatay ng dalawang lalaki na hindi pa muna pinangalanan kahapon ng tanghali sa lungsod ng Davao.

Ayon sa report, alas-12:30 nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Rechel Salinda, 16-anyos, out-of-school youth, residente ng Blk. 26, Lot 13, Kabayan Village, Barangay Tibungco sa Barangay Mahayag, distrito ng Bunawan.

Nabatid na nagalit umano ang dalawang lalaki na suspek sa biktima nang maaktuhan itong nagnanakaw sa Barangay Mahayag, Bunawan, Davao City noon pang araw ng Biyernes at kahapon lamang nadiskubre ang kanyang bangkay.

Sinabi naman ni Police Officer 2 Mariano Operario, may pangalan na sila ng mga suspek subalit tumanggi itong ibunyag sa media upang hindi mabulilyaso ang gagawing operasyon.

Napag-alaman na magbabasura ang biktima at palagian unamo nila itong nahuhuling nagnanakaw sa kanilang lugar kung kaya’t nagalit ang mga suspek at umano’y kanila itong pinatay.

Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang dalagita bunga ng saksak na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Sa pahayag ng mga residente, alas-2:00 ng madaling-araw nang makarinig sila ng tinig ng isang babae na humihingi ng tulong subalit binalewala na lamang nila ito sa takot na rin.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.