Dalagita, wasak ang mukha sa bespren

MINSAN PANG NAPATUNAYAN ang mga katagang “My bestfriend is my best enemy”, makaraang isang dalagita ang manghiram ng mukha sa aso matapos itong bugbugin at kaladkarin sa kalsada ng kanyang matalik na kaibigan dahil lamang sa kumakalat na tsismis sa kanila kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nilalapatan ng lunas sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sanhi ng mga tinamong galos at putok sa mukha at mga pasa sa buong katawan ang biktimang si Joan (di-tunay na pangalan), 17, ng Dagat-dagatan, Caloocan City.

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Serious Physical Injury ang suspek na si Charmaine de Dios, 19, ng Sabalo St., Libis, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng Jollibee sa 10th Avenue, Caloocan City.

Batay sa reklamo ni Joan sa tanggapan ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) Caloocan Police, naglalakad ito sa naturang lugar nang bigla na lamang siyang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing kinaladkad, pinagkakalmot sa mukha at pinagsusuntok.

“Dalawang buwan na po kaming hindi nagkikibuan dahil naniniwala siya (suspek) sa mga tsismis, hindi ko naman malaman bakit ganu’n na lamang ang ginawa sa akin,” ani pa ni Joan.

Matapos ang insidente, humingi ng tulong sa mga barangay tanod ang biktima na naging dahilan ng pagkakadakip sa suspek.

Sinabi pa ng biktima na malabo nang maibalik pang muli ang kanilang pagkakaibigan ng suspek.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.