Dalagita, Utas sa Utang

UTANG ANG umano’y motibo sa ginawang pamamaslang sa isang 14-anyos na dalagita sa likuran ng Dagupan City National High School, Dagupan City sa Pangasinan.

Ayon kay Dagupan City Chief of Police Romero Caramat, may utang na P17,000 sa biktimang si Madelyn Goyena ang suspek na si Genesis Kho, residente ng bayan ng Binmaley.

Inutangan umano ng salarin ang biktima ng maging kaibigan na niya ito matapos ang kanilang pagkakakilala sa camping ng GSP at BSP sa Bonuan Boquig noong buwan ng

Disyembre noong nakaraang taon.

Kamakailan, huli umanong nakita ng mga testigo ang biktima at suspek na magkausap sa compound ng Dagupan City National High School, subalit hapon ay natagpuan ang biktima na patay, tadtad ng saksak sa katawan at basag ang mukha na pinaniniwalaang hinampas ng malaking bato.

Dagdag ni Caramat na positibo siyang itinuro ng tatlong witness ng PNP at malakas din ang nakalap nilang mga ebedensiya laban dito katulad na lamang ng nakitang sugat sa kanyang kamay gawa ng ilang ulit na pananaksak sa biktima kung saan nabali ang panaksak na kanyang ginamit.

Samantala, pinapabilisan na nila ang pagkuha ng finger prints sa nasabing suspek at sa narekober na armas nito, at kapag nagtugma ang lantent prints sa armas sa finger prints ng suspek ay wala na itong kawala sa kasong Murder.

Mag-isa lamang umanong salarin si Genesis sa ginawang pamamaslang sa biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.